Google Another Angle of Love
                                                                 Back to Homepage                   
                                                                            
                                                                        Chapter 1    

            MALAYO na ang kinaroroonan ni Aloha sa dagat mula sa dalampasigan habang patuloy ang pagtagas ng mga luha sa mga mata niya. 
           "Miss ano ka ba huwag kang magpapakamatay. Kung ano man iyang problema mo baka matulungan pa kita!" sigaw ng lalake habang hawak-hawak siya sa beywang sa malalim na dagat sa isang magandang beach resort.
          "Bitawan mo ako, pabayaan mo nga ako!" nakatalikod at pasigaw na sagot niya habang nagpupumiglas sa mahigpit na pagkakahawak nito.
          "Ba't ka ba magpapakamatay, pera ba ha?" malakas na tanong nito. "Kung gusto mo pauutangin kita!"
          "Pag hindi mo ako binitawan, iyang buhay mo ang uutangin ko, sira ulo ka!" muling sigaw niya. "Sino bang magpapakamatay ha, hoy okey ka lang!"
          Biglang natigilan ang nagpapakabayaning lalaking ito at dahan-dahang bumitaw sa balengkenetan niyang beywang. "Ha hindi ka pala magpapakamatay akala ko kasi eh..." nahihiyang banggit nito sabay kamot sa ulo.
          "Opo, hindi po ako magpapakamatay sir! Ang laki ng problema mo tsong!" bwisit na bwisit na sagot niya sabay talikod at harap sa lalakeng sumaklolo sa kanya. 
          "Pasensya na Miss ikaw naman kasi eh..." kakamot-kamot na pahayag nito habang nakatingin sa magandang mukha niya.
          "Eywan ko sa iyo, diyan ka na nga!" Sabay lakad pabalik sa may dalampasigan pero mabilis ding natigilan at nangiti ng kunti.

          "Miss na maganda pasenya na uli ha.." pahabol na pahayag muli nito habang nakasunod sa kanya.
          Pagkarating niya sa may dalampasigan ay agad siyang tumalikod at humarap dito. "Sigi na nga okey na, papatawarin na kita. Sabi mo kasi maganda ako eh. Kailangan ko kasing marinig ngayon iyan eh..." at biglang napahagulgol at tumulo ang mga luha niya.
          "Ha, magpapakamatay ka nga talaga ano..." mahinang banggit nito habang nakatingin sa kanya.
          "Sira, sabi nang hindi eh..." natatawang sagot niya habang dahan-dahang pinupunasan ang mga mata ng kanyang mga palad.
          "Ibibigay ko sana itong panyo ko pampahid ng luha mo kaso basa na rin eh..."
           Bigla siyang natawa sa narinig niya sa poging binata sa harapan niya.
          "Sigi na nga, oo may problema nga ako pero, mas nagagalit ako kaysa sa nalulungkot. Parang gusto ko ngang manuntok at manipa eh!" nakangiting pahayag niya dito.
          "Talaga..." nakangiting nasabi na lang nito.
          "Talagang, talaga. Nakita ko kasi ang boyfriend ko, hinahalikan ng isang babae sa isang restaurant. Gagong iyon, pagtataksilan ako, doon pa talaga sa babaeng sigurado akong mas maganda pa ako."
          "Ah... oo sigurado akong mas maganda ka nga do'n..." nakangiting sabi nito sa harapan niya.
          "Ha papano mo naman nalaman, eh wala ka naman doon," medyo nagtataka at nakangiting tanong niya.
          "Wala lang, parang sobrang swerte naman ng boyfriend mo pag nakahanap pa siya ng mas maganda pa sa iyo. Ako nga eh ang pogi-pogi ko na nga eh hindi pa ako nagkaka-girlffriend ng kasing ganda mo eh. Buti na lang talaga hindi ka talaga magpapakamatay."
          "Talagang-talaga baka sila pa ang lunurin ko dito!" sagot niya saka napahagalpak sa tawa. Napatitig naman ang binatang ito dahil lalo pa siyang gumanda habang malakas na tumatawa sa may dalampasigan. "Oh sigi diyan ka na, salamat na lang sa pagligtas mo sa akin." at biglang tumalikod at 

nagtungo sa tinutuluyang cottage niya sa loob ng resort.
          "Hoy, ganon na lang ha. Wala ka bang naiisip ha?" habol nito sa kanya habang patuloy na naglalakad sa may buhanginan.
          "Anong sabi mo?" nakangiting tanong niya.
          "Wala lang, tingnan mo, isang magandang babae, niligtas ng poging-poging lalake. Hindi mo ba naiisip, baka sinadyang makita mo ako ngayon, at sinadyang makita kita--" biglang putol ng binata sa sasabihin sana nito.
          "Gano'n, aba oo nga pwede. Oo nga sinadyang makita kita ngayon, para may pang-inis ako sa boyfriend kong taksil," nakangiting sagot niya habang nakatitig sa mukha nito. "Tiyak, mamatay sa inis at selos iyon pag nakita niya tayong dalawa at mapagkamalang magkarelasyon!"
         "Ha mapagkamalan lang, hindi naman iyan ang ibig kong sabihin," ngingiti-ngiting tugon nito sa kanya.
         "Ikaw ha ang bilis mo, ni hindi mo nga naman talaga ako niligtas eh," sagot niya.
         "Eh sa bagay tayong dalawa eh. Anong magagawa ko," ngiti-ngiting sagot nito.
        
       
                                                                                                  Chapter 2

          "BAKIT, mabait ka ba ha, hindi ka ba taksil tulad ng boyfriend ko ha. Sa hitsurang mong iyan, baka nga mas malala ka pa nga eh," tugon at tantya ni Alana habang nakatitig sa mukha ng binatang ito.
          "Huwag na lang muna nating pag-usapan iyan. Tutal hindi pa naman talaga tayo magkakilala eh..." sagot nito.
          "Ganon, sigi maiwan na kita."
          "Ako nga pala si Antonio," pahabol at mabilis na pakilala nito sa sarili.
          "Okey, ako si Alana. O ayan magkakilala na tayo!" pagpapakilala din niya at tiningnan ito na parang naghihintay ng sagot.
          "Ha pero ayoko pa ring pag-usapan. Ayoko kasing magsinungaling sa iyo," mabilis na pagtanggi nito. "Pero mabuting tao ako. Malalaman mo rin iyan pag mas nagkakilala na tayo,"
          "Ah ganon so magkikita pa tayo uli ng maraming beses."
          "Oo naman, may utang na loob ka yata sa akin, niligtas yata kita," pabiro at patawa-tawang sabi nito.
          "Sira, diyan ka na muna. Kung magkikita pa tayo, eh di magkikita. Pero ngayon kanya-kanya na muna tayo okey," sabi niya at agad na pumasok sa loob ng tinutuluyang cottage.
          "Hindi mo ba ako papapasukin man lang sa loob ng cottage mo, ha. Tutal wala ka na namang boyfriend di ba? di ba?" madiing ulit nito.
          "Oo na wala na akong boyfriend simula sa araw na ito. Pero hindi ka pa rin pwedeng pumasok. Magkita na lang tayo kong talagang magkikita pa tayo. Bye.." sabay sara sa pintuan niya.
          "Bye..." sagot naman ng binatang ito. "Alana cellphone number mo hindi ko pa nakukuha!"
          "Huwag na lang muna, saka na!" pinalakas na sagot niya mula sa loob ng kanyang kwarto.
          "Oh sigi, pero mag-aabang ako sa iyo sa dalampasigan bukas ng umaga, mga bandang alas otso. Pag hindi ka dumating susunduin kita okey!"
          "Good night!"
          "Good night din....!" paalam nito sa magandang dalaga sa loob ng cottage.

                                                                                                   Chapter 3
         
   
          NANG mapansing nakaalis na ang binata, nagpasya si Alana na mahiga na muna sa kama. Parang natatawa pa rin siya nang kunti kapag naiisip ang ginawang pagsagip sa kanya ni Antonio. Sandali lang, di ba dapat malungkot ako ngayon kahit papano, biglang tanong niya sa sarili. Nahuli kong may kasamang ibang babae ang boyfriend ko tapos ito ako, ngingiti-ngiti lang sa resort na ito. Nakalimutan ko na ba kaagad ang taong iyon. Parang ang bilis ko naman yatang maka-recover. Hindi naman kaya hindi ko na mahal si Francis. Pero noong isang araw lang parang gusto kong siya na ang makasama sa habang-buhay. Pero bakit ngayon parang natatawa na lang ako sa lahat ng mga nangyari. Parang natutuwa pa nga yata ako na nahuli ko siyang nambabae. Tama nga yata ang sabi ng mga kaibigan ko, balang araw mare-realize ko rin na hindi ko talaga mahal si Francis, nababaitan lang ako dito. Dahil sa lahat ng lalaking nanligaw sa akin parang siya ang hgit na nagpakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa akin. Pero kunwari lang pala iyon. Babaero din pala ang mokong na iyon tulad ng iba diyan. Ay naku, bahala ka kung hindi ka makontento sa kagandahan ko, magpakasawa ka sa piling ng babaeng iyon. Basta ako, haharapin ko ang buhay na wala ka na. Hindi na ako malulungkot, asa pa siya. Saka ang ganda ko yata sabi ni Henry. Nangiti uli siya nang sumagi sa isip niya ang mga binatawang salita sa kanya nito nang makitang may luhang tumutulo sa mga mata niya kanina sa may dalampasigan. Ilang sandali lang ay naidlip na rin siya.
           ANG ganda talaga ni Alana, buti na lang mabilis ko siyang nasundan matapos kong makitang umiiyak kanina malapit sa isang restaurant. Ang lungkot-lungkot niya siguro kanina. Hindi man lang niya namalayan na sinusundan ko ang taxing sinasakyan niya. Unang nasilayan ni Henry ang kagandahan ni Alana sa isang bangkong minsang napuntahan niya. Nakaupo siya at nakikipag-usap sa harap ng isang new accounts clerk habang nagbubukas ng account sa bangkong pinagtratrabahuhan nito nang mapansin niya si Alana. Tinitingnan niya itong mabuti mula ulo hanggang paa. At sa unang kita palang niya, napagtanto na niya sa sarili na ito ang babaeng matagal na niyang hinihintay na makilala. At parang sinadya ng tadhanang makita niya muli ito kung kaylan malaya na siya dahil mga isang buwan na rin ang nakalipas nang makipag-hiwalay siya sa kanyang dating kasintahan. Galit na galit ito sa kanya dahil sa ginawa niyang pakikipaghiwalay. Subalit, ipinaalala ni Henry dito na malinaw ang usapan nila mula sa umpisa. Pumayag siyang makipagrelasyon kay Maricris dahil, wala naman siyang girlfriend at palagi itong nakasunod sa kanya kahit saan siya magpunta. Nilinaw niyang hindi niya ito mahal. Pumayag itong palayain siya sa sandaling magpagtanto nila na walang magandang patutunguhan ang relasyon nila. Sinubukan din niya itong mahalin subalit sadyang hindi niya magawa kahit anong pilit niya sa sarili. Maganda at mabait din ang dati niyang kasintahan. Isang babaeng maipagmamalaking ipakilala sa mga kaibigan at kapamilya. Subalit sa mahabang panahon ay hindi niya nagawang suklian ang pagmamahal na iniuukol sa kanya nito. Pinalipas muna niya ang mga ilang araw bago niya napagpasyang bumalik sa nasabing bangko at makipagkilala sa nakita niyang magandang dalaga doon. At iyon nga bago pa siya tuluyang makarating sa bangkong pinagtratrabahuhan nito, ay nakita niyang mabilis itong naglalakad at umiiyak sa kalsada. Sinundan niya ito ng sinundan habang menamaneho ang kanyang bagong sasakyan hanggang sa umabot na nga sila sa resort na iyon. Tamang-tama pala ang pagpunta ko sa kanya para magpakilala na sana, natutuwang naisip niya. Ni hindi ko nga alam dati na may boyfriend na pala si Alana, pero di bale tutal ngayon hiwalay na naman sila. Binigyan ako ng isang magandang pagkakataon, at hindi ko ito sasayangin. Hahanap ako ng paraan para mapa-ibig ko rin siya, gaya nang pagmamahal ko sa kanya. Buti na lang mukhang nakagaanan niya agad ako ng loob matapos ko siyang mapatawa sa simpli kong hirit kanina. Aabangan ko siya bukas sa dalamapasigan, sisikapin kong makakalimutan na niya ang taong iyon at ako at ako na lang ang iisipin niya, wala nang iba pa, paniniyak niya sa sarili habang nakahiga sa kanyang malambot na kama sa malamig na kwartong tinutuluyan. At kagaya ni Alana naidlip na rin ang binata.

                                                                                                   Chapter 4

           PAGKAGISING ni Alana ay kaagad itong naligo at nagbihis pagkatapos. Habang nagsusuklay siya sa harapan ng isang pabilog na salamin sa loob ng magarang kwarto ay naisip niya si Henry. Malamang naghihintay na sa akin iyon ngayon sa may dalamapsigan. Mag-aalas- otso na ng umaga, pupuntahan ko na nga baka magtampo pa sa akin iyon pag hindi ko sinipot. Kaya agad niyang tinapos ang pagsusuklay at lumabas na ng kwarto. Agad siyang nagtungo sa may dalamapsigan at gaya nang inaasahan nadatnan niyang hinihintay na siya ng binata.
          "Alana! Sabi ko nga ba't sisipot ka. Hindi mo ako hahayaang mapanis sa kakahintay sa pagdating mo!" masayang salubong nito sa kanya.
          "Oo. Nagmadali akong magpunta rito. Naisip kong may taong naghihintay sa akin sa akin sa may dalampasigan, kawawa naman baka magtampo pag hindi ko sinipot.." biro niya habang papapalapit siya sa kinatatayuan nito.
          "Sayang naman, akala ko pa naman nagmadali kang magpunta rito dahil sa takot mong magsawa ako nang kakahintay sa iyo at sumama na lang sa ibang babae," ganting biro nito sa magandang dalaga. "Pero kahit ano pa man ang dahilan mo, napakasaya ko na nagpunta ka at nakita kita uli."
          "Sus bolero. Kung sabagay mukha nga namang ang saya-saya mo. At kung ako nga ang dahilan nang kasiyahan mong iyan eh, di salamat. Parang gumaan din ang pakiramdam ko na masaya kang makita ako."
          "Halika, sumakay na tayo sa may bangka. Lilipat tayo sa kabilang isla. Mas maganda roon, doon na tayo mag-almusal na dalawa. Payag ka ba ha Alana. Pagkakatiwalaan mo ba ako, kahit bago pa lang tayong magkakilala, ha?" nakangiting tanong nito.
          "Okey, mukhang mapagkakatiwalaan ka naman. Wala ka naman sigurong gagawing masama, niligtas mo nga ako hindi ba..." kunting biro niya.
          "Ikaw talaga. Sigi na halika na akyat na tayo sa may bangka at kanina pa tayo hinihintay ng mga iyan," anyaya nito sa kanya at agad siyang inalalayan paakyat sa maliit na tulay.
          Tahimik lang ang dalawang bagong magkakilala habang patuloy na naglalayag ang bangkang sinasakyan nila papunta ng isla. Paminsan-minsan ay sumusulyap sila sa isa't -isa at hindi mapigilang ngumiti. Magandang-maganda si Alana at poging-pogi naman si Henry. Napapansin ng dalawa na panay ang tingin sa kanila ng dalawang kasama nila sa kanilang paglalayag.
           "Sa tingin ko Alana, akala ng dalawang mamang ito na girlfriend kita..." pabulong nitong sinabi sa kanya.
           "Ikaw kasi masyado kang malapit sa akin sa pagkakaupo, kaya mukha tayong magkasintahan, kahit hindi naman," pabirong sumbat niya.
           "Sinasadya ko talaga iyan, kasi natutuwa akong kasama kita. Parang gusto kong ipagmalaki na pumayag kang samahan ako sa isla, napakaganda mo kasi..." hirit ng binatang ito na nakangiti nang bahagya sa katabi.

                                                                                                  Chapter 5

           SA ilang sandali lang ay narating agad nina Henry ang maliit at magandang isla. Muling inalalayan niya si Alana sa pagbaba nito at nang makaalis na ang dalawang mamang kasama nila dala ang bangkang sinakyan ay kaagad na naglalakad-lakad sa may buhanginan. Habang matabing magkatayo at nakaharap sa dagat, agad siyang nagsalita.
           "Alana, gusto ko kasi malinaw sa iyo ang lahat," umpisa niya. "Niyaya kitang magpunta rito dahil gusto kita, gustong-gusto. Hindi ako nakikipagkaibigan lang sa iyo. Alam kong hindi mo pa ako masyadong kilala para hilingin sa iyo ang gusto kong marinig mula sa iyo, maghihintay lang ako kung keylan mo ako magugustohan. Gandang-ganda ako sa iyo Alana at gustong-gusto kita," pagtatapat niya dito.
           "Nagagandahan ka sa akin, kung sabagay sinabi mo na iyan sa akin kahapon. Pero huwag kang masyadong umasa, dahil wala akong balak na magka-boyfriend agad matapos akong lokohin," sagot naman nito.
           "Talaga, pero sa tingin ko malaki ang pag-asa ko, magugustuhan mo rin ako, hintay ka lang," biro niya sa katabi at agad na ngumiti.
           "Di ba sabi mo mas maganda sa islang ito. Maganda oo, pero parang katulad lang naman ito sa pinanggalingan nating resort, ang pinag-kaiba nga lang doon may mga magagandang bahay-kubo saka may eleganteng restaurant," pansin kaagad nito habang sinusuyod nang tingin ang buong kapaligiran.
          "Ha, oo medyo tama ka. Kaya lang mas maganda rito, kasi tingnan mo tayong dalawa lang nandito, wala nang iba pa. Ito kasi talaga ang gusto ko ang makasama ka, tayong dalawa lang," pagtatapat niya habang nakatingin sa palibot matapos ay sinulyapan ito at nginitian nang bahagya.
          "Ikaw ha, kung may binabalak kang masama malalagot ka talaga sa akin," pagbibirong banta nito habang nakatingala kaharap niya sa loob ng magandang isla.
          "Huwag kang mag-alala Alana, lahat nang balak kong gawin sa iyo poro maganda. Pag ayaw mo sa ginagawa ko eh 'di kagalitan mo ako. Madali naman akong kausap eh," sagot naman niya rito.
          "Siguraduhin mo iyan, baka nakakalimutan mo sinabi ko sa iyo kahapon pag nagagalit ako gusto kong manipa at manuntok," pabirong banta ulit nito.
          "Oo nga eh, kaya nga eh wala akong magagawa kundi magpakabait at magpaka-gentleman sa iyo."
          "Usapan iyan, magtitino ka walang kalokohan. O nagugutom na ako ano bang almusal natin ha?" tanong agad nito.
          Agad namang inilabas ni Henry ang mga dalang pagkain at matapos nilang kumain ay agad silang naupong magkatabi sa maputi at pinong-pinong buhangin ng magandang isla.
          "Mabuti naman at mukhang nagustuhan mo ang almusal natin Alana," sabi niya habang nakatingin sa magandang mukha nito.
          "Buti na lang masarap iyong dinala mong pagkain dito, kahit papano sulit din ang beneyahe natin papunta. Kanina pa kasi talaga ako nagugutom, nahihiya lang akong magreklamo sa bangka dahil may iba pa tayong mga kasama."
          "Ano bang gusto mong gawin natin dito ha Alana, sabihin mo lang at gagawin natin," pahayag niya sa kanyang magandang katabi sa may dalampasigan.
          "Eywan ko sa iyo, eh di ba ikaw ang nag-isip nito. Ano bang plano mo ha?" balik-tanong nito.
          "Maligo na lang muna tayo at lumangoy sa dagat, halika!" anyaya niya.
          Agad namang hinatak ng binata ang dalaga papunta sa tubig. At nang marating nila ang katamtamang lalim ay agad silang nag-umpisang lumangoy. Lumangoy nang lumangoy ang dalawa. Habang lumalangoy si Alana ay panay ang sulyap ni Henry. Lalo pang gumanda ang dalaga sa paningin niya. At sa paningin naman ni Alana ay lalong pomogi si Henry. Napapansin ng dalawa na panay ang tingin nila sa sa isa't isa. Ngitian lang sila nang ngitian habang lumalangoy at nag-eenjoy sa malinis na tubig-dagat at pinong-pinong buhangin ng magandang isla. Enjoy na enjoy silang pareho sa kanilang paglangoy. Ilang sandali pa ay nagpasya na silang umahon at naglakad pabalik sa buhanginan.
          "Napagod ka ba sa kakalangoy natin ha Alana?" nakangiting tanong niya. "Pero mukhang nagustuhan mo rin naman di ba."
          "Oo mahilig din kasi talaga akong lumangoy. Noong bata pa ako parati talaga kaming nagpupunta sa kung saan-saang resort ng mga magulang ko. Iyon kasi talaga ang pinakapaborito naming gawing mag-anak," kuntentong sagot nito.
         "Halika, maupo na muna tayo sa buhanginan nang makapagpahinga ka naman."
         Pagkaupo na pagkaupo nila ay agad naman siyang nahiga at tiningnan ng bahagya ito.
         "O ba't ganyan ka kung makatingin ha. Ano bang iniisip mo ha?" tanong nito.
         "Wala naman, ang totoo masaya lang talaga akong kasama ka rito. Saka may sasabihin sana ako sa iyo. Di ba sabi ko sa iyo gusto ko malinaw sa iyo ang lahat..."
         "Oo nga sinabi mo nga iyan kanina, baket ba may idadagdag ka pa ba ?" medyo nakatawang biro nito sa kanya.
         "Parang ganon," sabi niya at agad na iniangat ang sarili at umopo sa tabi nito. "Ang totoo, hindi ito ang unang beses na nakita kita."
         "Ha..." nasabi na lang nito.
         "Oo, nakita na kita sa pinagtratrabahuhan mong bangko mga ilang araw na ang nakakaraan. At aaminin ko sa iyo, unang kita ko pa lang sa iyo, nagustuhan na agad kita. At pagkalipas ng ilang araw ay nagpasya na akong balikan ka sa bangkong pinagtratrabahuhan mo para makipagkilala sana. Pero, sa kalye pa lang habang nagmamaneho ako nakita kitang umiiyak at mabilis na naglalakad. Nang makita kitang sumakay sa isang taxi, ay nagpasya akong sundan ka. Pinagmamasdan kita habang kumukuha ka ng kwarto sa may resort. At nang nasa loob ka na ng kwarto mo, ang totoo nasa labas lang ako ng pintuan mo. Parang gusto kong kumatok at magpakilala sa iyo. At nang magkalakas-loob na nga akong kumatok ay bigla ka namang lumabas ng kwarto na umiiyak, ni hindi mo nga ako napansin eh. Kaya alam mo na ang sumunod na nangyari, bigla akong nagpakabayani sa iyo," mahabang salaysay niya at tiningnan mabuti ang mukha nito.
         Natahimik sandali ito sa narinig. "Ang lungkot ko pala talaga, sa tangkad at laki mong iyan hindi kita napansin," alanganing biro nito sa kanya.
         "Oo nga, sa laki at guapo kong ito hindi mo man lang ako napansin," nakangising sagot naman agad niya dito.
         "Ah... naalala ko na ikaw iyong poging-poging sinasabi sa akin ni Mariel, na mukhang may..." sambit nito.
         "Na may gusto sa iyo," pagtatapos niya sa sasabihin sana nito.
         "Sabi nga sa akin ng babaeng iyon, hiwalayan ko na raw agad si Jonathan, dahil may mas pogi daw siyang minamanok para sa akin," salaysay nito.
         "Aha, so mas pogi pa pala ako sa dating boyfriend mo," nakangiting sabi niya at inilapit pa ng kunti ang mukha para mas makita nito.
         Ngumiti lang ito. "Oo, hindi naman ako sinungaling. Eh bakit ba maganda din naman ako, kaya hindi mo pwedeng ipagmayabang sa akin iyang kapogian mong iyan," sagot naman agad nito.
         "Wala naman akong planong ipagmayabang ang kapogian ko sa iyo, ang gusto ko i-enjoy mo lang," natatawang sagot niya.
         "Ikaw ha."
         "Eh baket nag-eenjoy din naman ako sa kagandahan mong iyan. Sabi ko nga sa iyo, gustong-gusto kita at magugustuhan mo din ako, pangako ko sa iyo iyan." sabay tingin at kindat ng bahagya dito.
         "Talaga lang ha, akala mo yata nakakalimutan kong hindi ka sumagot ng mabanggit kong malamang mas malala ka pa sa dating boyfriend ko ano. Ayoko sa manloloko natatandaan mo," mabilis na pag-papaalala nito.
        "Oo nga pero hindi ako sumagot hindi ba, kasi ayokong magsinungaling sa iyo. Oo nga marami na akong naging girlfriend pero hindi ako kailan man nanloko o nagsabay ng dalawang babae. Pero hanggang diyan na lang muna, baka ayawan mo na ako niyan. Saka na lang ako mas magpapapaliwanag."
        "Ah ganon, eh di umuwi na lang tayo. Tapos na tayong mag-swimming at wala ka na naman palang sasabihin eh," pabirong pagbabanta nito sa kanya.
        "Sandali, hayaan mo muna akong mag-isip, ayoko kasing magkamali ng sasabihin sa iyo."
        "Sabi mo lang iyan..."
        "Oh sigi, ganito. Babaero, pero hindi ako sinungaling at manloloko, maliwanag iyan okey."
        "Iyon na iyon..."
        "Makinig ka muna... Alam mo ako, para sa akin mula ng bata pa ako, napakaswerte kong tao. Lumaki ako na humahanga sa Daddy ko. Nakita ko kong gaano niya kamahal ako at ang mommy ko. Marami akong mga kaibigan, at parati kong naririnig ang mga problema at hinanakit nila sa ginagawang pambabae ng mga Daddy nila. Poro away at bangayan na lang ng kani-kanilang mga magulang ang nakikita nila pag-uwi. Naawa ako pag pinagmamasdan ko silang umiiyak dahil wala silang pambayad sa matrikula nila, dahil inuubos ng mga tatay nila ang sahod ng mga ito sa piling ng iba't-ibang mga babae.  At sa tuwing maririnig ko nga ang kanilang mga kwento ay nagpapasalamat ako na binigyan ako ng tadhana ng isang mabuti at mapagmahal na ama. Maswerte akong tao dahil masaya ang pamilya ko, masaya ako bilang anak ng Daddy ko,"  nagmamalaking pagsasalaysay niya dito. "At iyon ang pangarap ko, ang magkaroon ng mga anak na katulad ko..."
        "Ang ibig mong sabihin...."
        "Oo, pag nahanap ko na ang babaeng makakasama ko habang-buhay, sisiguruhin kong magpapasalamat din ang magiging mga anak ko dahil ako ang naging ama nila at minamahal ko nang tapat ang mommy nila."
        "Aba, ang swerte naman pala ng mga magiging anak mo, Henry."
        "Oo. Pero mas maswerte ang magiging mommy nila, dahil may saksakan na siyang poging asawa, mabait at matapat pa," mayabang niyang sagot dito.
        "Magandang pakinggan iyang mga sinabi mo, pero magawa mo nga kaya iyan," tanong agad nito.
        "Oo naman, kasi nahanap ko na siya, nahanap na kita," pangiti-ngiting sagot niya. "Ang kailangan ko na lang ngayon ay mapa-ibig ka para mangyari na ang lahat ng mga iyon, ang matupad ang pangarap ko sa buhay."
        Natahimik sandali ito sa mga narinig. Pinagmasdan nitong mabuti ang kabuuan niya. At napatitig ng matagal sa guapong mukha niya. Hindi nito magawang maitanggi sa sarili na napahanga ito sa kanya.
        "Ba't natahimik ka bigla riyan, Miss, iniisip mo ako ano...?" nagyayabang at nakangiting sabi niya.
        "Ang yabang mo talaga," nasabi na lang nito at agad binawi ang titig sa mukha niya.
        "Sana tama ako," biglang seryosong sabi niya. "Ang gusto ko kasi, simula sa araw na ito ako na lang ang iisipin mo. Dahil simula nang una kitang makita, ikaw at ikaw na lang ang laman ng isip ko, ng puso ko, Alana," pag-amin niya sa babaeng kanyang napupusuan.
        Pinagmasdang muli nito ang mukha niya. Nanatili itong nakatingin ng may ilang sandali. "Sigi ganito na lang, tutal niliwanag mo naman sa akin na hindi ka lang nakikipagkaibigan sa akin. Kung panliligaw nang matatawag iyang ginagawa mo hahayaan lang kita. Pero ako, nakikipagkaibigan lang sa iyo."
        "Ha, ako manliligaw, tapos ikaw makikipagkaibigan lang sa 'kin," sagot niya pagkatapos ay nag-isip at nanahimik.
        "Makinig ka muna sandali, ganito iyon, sabi ko sa iyo wala na akong boyfriend, alam ko iyon, alam mo na rin iyon, pero iyong iyon hindi pa alam niyon," banayad na patawang sagot nito.
        "Ah okey, hindi pa alam ng boyfriend mo na break na kayo. Kaya hindi ka pa pwedeng makipagligawan sa akin. Okay I get it," patango-tangong at natutuwang nasabi na lang niya.
        "Maliwanag na kung ganoon."
        "Maliwanag na maliwanag po ma'am," nakangising sagot niya pagkatapos ay nanahimik uli at muling humirit. "Eh, kung ibigay mo sa akin ang number, ite-text ko nang malaman na niya." At agad na humalakhak.
        "Ikaw ha umaabuso ka na, kahapon nga lang tayo nagkakilala eh," saway nito.
        "Biro lang, sapat na sa akin ang sinabi mo. Ang importante, palagi na pala tayong magkikita nito, araw-araw," pasimpling pagpapahiwatig niya na araw-araw niya itong pupuntahan at dadalawin.
        "Eywan ko sa iyo, araw-araw talaga ha," nasabi na lang nito na nakangiting umiiling.
        "Oo araw-araw!" mayabang at madiing sagot nito. "Sigi text ko na..."
        "Sabi nang....."
        "Hindi, text ko na iyong mga bangkero, papasundo na tayo," paliwanag naman agad niya. "At nang..."
        "At nang ano, ikaw ha."
        "Madala na kita sa bahay. Iuuwi na kita."
        "Ano?" napalakas na tanong nito.
        "Ikaw naman, ipapakilala na agad kita sa mga magulang ko, para malaman mo kong nagsasabi ako ng totoo sa iyo. Baka kasi isipin benobola lang kita," sabi niya dito.
        "Hindi ba nakakahiya iyon, kahapon nga lang tayo nagkita tapos pakilala kaagad," nag-aatubiling sabi nito.
        "Di ba sabi mo hahayaan mo akong manligaw sa iyo. Gusto ko makita ng mga magulang ko na nililigawan kita. Tiyak matutuwa ang mga iyon, sa akin lalo na sa iyo," hirit niya uli dito.
        "Ngayon na agad tayo pupunta ha?"
        "Oo, pero magswiming na uli tayo habang hinihintay nating dumating ang mga bangkero," nakangiting sagot niya at agad na hinila patayo ito pabalik sa dagat.
        Nagpahila lang si Alana at nakangiting pinagmasdang muli ang mukha niya. Nang makarating sila sa may katam-tamang bahagi ng dagat ay agad niyang sinabuyan ng tubig ito. Patawa-tawang sinabuyan niya ng sinabuyan si Alana.
        Tumawa lang ito sa kanya. "Akala mo ikaw lang marunong niya, ha ito malunod ka dito." Sinabuyan din nang sinabuyan siya ng tubig nito.
        Pagkatapos ay mabilis niya itong nilapitan at mabilis na kinarga sa mga bisig niya.
        "Bitawan mo ako hoy mama," saway nito na parang hindi dahil sa ngiti sa mukha nito.
        "Ayoko, ganito ako manligaw. Gusto ko ngayon pa lang alam mo agad kong gaano ako kalakas. Kaya halika rito..!" Mabilis niyang dinala ito sa malayo at mas malalim pang bahagi ng dagat. Hinayaan na lang siya nito dahil mukhang hindi naman talaga siya magpapaawat. Pinagmasdan na lang siya nito pagkatapos ay naramdaman nito ang pagbagsak niyan sa malalim na dagat. Lumangoy uli sila ng lumangoy. Sinadya niyang lumangoy na malapit na malapit dito at paminsan-minsan ay hinahawakan niya ito sa beywang para madala kung saan niya gustong tumungo at lumangoy.
         PANAY lang ang ngiti ni Alana. At halos wala pang biente kwatro oras silang magkakilala, hindi niya magawang itanggi sa sarili niya na gustong-gusto na niya agad ito, gustong-gusto. Napapansin niya sa mga titig at sulyap nito na gandang-gandang ito sa kanya. At hindi niya mapigilang makaramdam ng kaligayahan sa loob-loob niya. Kahapon lang ay ang lungkot-lungkot niya, pero ngayon may kasama siyang panibagong lalake na nagpahanga sa kanya ng husto. Na sa tingin niya ay magugustuhan ng kahit na sinong babae at napakapalad niyang nagustuhan siya nito. Hindi mabura-bura ang mga ngiti sa mapupula niyang mga labi. Kumikislap sa kaligayahan ang maganda at maiitim niyang mga mata. Hindi katulad ng ibang babae, pakiramdam niya sa mga sandaling iyon ang haba-haba ng pilik-mata niya na nagpatawa sa kanya habang nakatigil na lumalangoy. Hindi naman nito naintindihan kung bakit siya tumawa, pero nakitawa na rin ito habang patuloy na lumalangoy na nakatigil sa bandang harapan niya.   
        NAPAHANGA pa lalo si Henry habang pinagmasdan niya ang napakakinis, napakaputi nitong kutis at napakagandang mukha. Napahinga siya bigla dahil alo pa itong gumanda sa pagkabasa ng katam-tamang haba ng maiitim, at malalambot nitong buhok. He was staring at a beautiful goddess before him. He was truly in love, finally. She wasn't the first girl in his life, for there were many in the past, but she was the first one in his heart. He looked at her once more and felt like he won a battle and won himself a beautifl queen. To him, he was the happiest man on earth and at that moment he vowed that everything he will do will be for her, for her happiness, for their happiness. May bahagya siyang pakiramam na nakuha na niya ang paghanga nito, at kung kailan ito mapapalitan ng pagmamahal ay handa siyang maghintay makamtan lang ito.
       Muling lumangoy ang dalawa sa malalim na dagat, kapwa mababanaag sa mga mukha nila ang kasiyahan na silay nagkakilala at nagkasama. Kung hanggang saan aabot ang nararamdaman nilang kaligayahan ang tahimik na hanging dagat lamang ang tunay na nakakaalam. Tumigil ang dalawa sa paglangoy at kapwa huminga ng malalim at nakangiting pinagmasdan ang isa't-isa pagkatapos ay muling lumangoy na magkahawak ang mga kamay hangang sa unti-unti na nilang lang matanaw ang papabalik na bangka.

                                                                                  Chapter 6

            KAKARGAHIN sana muli niya si Alana subalit sinaway siya ng mga tingin nito. Naintindihan naman agad niya dahil malapit na sa kanilang kinaroroonan ang bangka kaya nagkasya na lamang siya na hawakan ang isang kamay nito habang naglalakad sa mababaw na dagat pabalik sa maputing dalampasigan. Nang makarating na ang bangka ay muli niyang inalalayan ito paakyat dito. Nararamdaman niya sa palad nito na unti-unti na itong nasasanay sa hawak niya. Nakakaramdam siya ng pag-asang malapit na niya itong mapa-ibig kahit sandali pa lang silang nagkakakilala. At ang pag-asang iyon ay nagdulot sa kanya ng labis at kakaibang-kaligayahan na hindi niya naramdaman sa kahit sinumang babae nakasama na niya. Napagtanto niyang tama ang desisyon niyang ipakilala na agad ito sa mga magulang niya dahil ayaw na niyang mawalay pa ito sa piling niya, sa mga bisig niya. Nagmamahal ako, katagang nagpangiti sa kanya habang magkatabi silang nakaupo sa naglalayag na bangka. Nararamdaman niya ang malamig na simoy ng hanging dagat sa pisngi niya na siya ring dumadampi sa mga pisngi ng napakagandang babaeng nakatingin sa kanya. Nakita niya ang kaligayahan sa mga mata nito at ipinangako niya sa sariling mananatili itong maligaya sa piling niya, sa pagmamahal niya.
           NAPANSIN din ni Alana ang kasiyahan sa mga mata ni Henry. Ang pagkakalapit nito sa kanya'y nagdudulot ng kakaibang pakiramdam. Hindi niya mapigilang ngumiti dahil nararamdaman niyang ang pagpayag niyang makasama ito ay nagdulot dito ng kaligayahan. Kaligayahang hindi nito ikinukubli bagkos ay parang ipinagsisigawan pa ng mga mata nito. Ang ngiti ng mga mata nito'y nagpapangiti rin sa kanya. Napansin niyang parang binabasa nito ang iniisip niya kaya nag-iwas siya ng tingin subalit naramdaman din niyang pinisil nito ang kanyang palad at lalo pang umisod papalapit sa kanya. Tumingala at tumingin muli siya rito. Nakayuko ito ng bahagya at nakatitig sa mga mata niya na parang tinitingnan kong magproprotesta ba siya sa ginawa nitong lalong pagdikit sa tabi. At nang hindi siya umimik ay muli nitong pinisil ang kanyang palad na parang nagmamalaki. Nararamdaman niyang gustong-gusto siya nito at hindi niya mapigilan ang sariling umasa nang tahimik na manatili iyon sa mahabang panahon.
          NAGPATULOY sa paglalayag sina Henry at Alana pabalik sa beach resort at ilang sandali pa ay natanaw na nila ang mga mapuputing buhangin at ang naggagandahang mga bahay-kubo. Pagkarating na pagkarating nila ay muli niyang inalalayan sa pagbaba si Alana. Sa isip niya, sana sa simpli niyang pag-aalalay dito ay maramdaman nitong totoo at dalisay ang hangarin niya para dito. Ang mahalin ito at pakaingatan habang-buhay. Nagtaka siya bigla dahil parang may namuong luha sa mga mata niya nang maisip niya ang mga iyon. At sa mga sandaling iyon ay agad niyang napagtanto na ang babaeng inaalalayan niya ay ang babaeng itinakdang makasama niya sa loob ng isang masayang tahanan. Sa ganoon kabilis, sa ganoon kaaga, gusto na niya itong pakasalan. At napahinga siya ng malalim sa mga naisip niya, napakaligaya niya. Umaapaw ang puso niya sa kaligayahan at natatawang naisip niya na huwag sanang makita ni kupido ang puso niya at panain pa at baka tuluyan na itong sumabog. Napakaligaya ko, napakaligaya ko muli niyang nasambit nang tahimik. Napansin niyang pinagmamasdan siyang mabuti nito kaya itinigil niya ang pag-iisip at nagkasya na lamang na pagmasdan ito paminsan-minsan habang naglalakad sila papunta sa kanyang nakaparadang sasakyan.
          TAHIMIK lang na pinagmamasdan ni Alana si Henry habang binubuksan nito ang pintuan sa harapan ng kanyang sasakyan. Umupo siya nang maayos sa front seat matapos siyang alalayan siya nito papasok. Aminado siyang lobha siyang napapasaya nito higit pa sa nagawa ng dati niyang boyfriend. At umasa siyang ganoon din siya dito. Natigilan siya sandali nang mapagtantong, nagsisimula na niyang isipin ang kaligayahan nito, ang kaligayahan ng lalakeng kahapon lang niya nakilala. Napahinga siya nang malalim at napailing na sa ganoon kabilis ang lalaking ito ay naging napakahalga sa kanya, sa buhay niya. Halos hindi siya makahinga sa nararamdaman niya. Umiibig na ba ako sa kanya, nakapikit ang mga matang naitanong niya sarili. At sa ganoon din kabilis nasagot niya ang sarili niyang katanungan subalit iwinagliti niya agad ito sa isipan niya dahil alam niyang may mga kailangan pa siyang gawin, ayusin para maging tuluyan na siyang malaya na maging maligaya sa tabi nito, sa piling nito. Huminga muli siya nang malalim at muling itinuon ang pansin sa kalsadang dinaraanan ng menamanehong sasakyan nito. Iniwasan niya na munang tumingin o sumulyap man lang dito. Natatakot siya na baka mas lalo pang mahulog ang damdamin niya dito. Pagkat batid niyang lobhang napakaaga pa para magkaroon siya ng ganoong uring damdamin para dito. Itinutok niya ang buo niyang atensyon sa mga gusali at mga sasakyang kanilang nalalampasan. Subalit kahit anong pilit niyang iwasang sulyapan ito, sa tuwing nararamdaman niyang pinagmamasdan siya nito ay may nararamdaman siyang kung ano na nagpapalito sa kanya subalit nagdudulot din sa kanya ng kasiyahan. Alam na alam niyang nakangiti itong nakatitig sa mukha niya. Hanggang sa unti-unti na siyang mag-alala dahil parang hindi na ito tumitingin sa kalsadang kanilang dinaraanan. Sa pag-aala niya napilitan siyang humirit ng kunti dito. "Hindi ako ang daan, nasa harapan baka nakakalimutan mo," sabi niya at napilitang muling sulyapan ito. Subalit nginitian lang siya nito at nagpatuloy lang sa ganoong ayos, lalo pa nitong ipinangalandakan ang ginagawang pagtitig at paghanga sa maamo at maganda niyang mukha. Kaya pinilit niyang ikunot ang kanyang noo at pinagsalubong pa ang kilay. "Siguro naman matu-turn-off ka na sa akin sa ganitong hitsura." Subalit pinagtawanan lang siya nito.
            "Akala mo lang iyan, kahit anong gawin mo diyan sa mukha mo napakaganda mo pa rin, asa ka pang ma turn-off ako sa iyo. Pero sigi hindi na muna kita titingnan at namumula ka na diyan, sabi ko na nga ba eh poging-poging ka sa akin," nakatawang pagmamayabang nito. At ganoon lang, bigla itong sumeryoso at muling itinuon ang atensyon sa kanyang pagmamaneho. Nagkunwari pa itong tumitingin-tingin nang maayos at sumusunod sa lahat ng mga road signs na nadaraanan nila. "Huwag kang mag-alala safe na safe ka sa akin, maliban na lang kong ibang gusto mo," pilyong hirit pa nito.
           "Patawarin ko na lang kaya ang dating boyfriend ko no," mahinang birong pahayag nito na may bahid nang kunting pagbabanta at pang-aasar.
           Subalit napansin niyang pilit nitong pinipigilan ang sariling matawa sa mga sinabi niya rito. "Hoy anong tinatawa-tawa mo riyan. Anong nakakatawa sa sinabi ko ha, akala ko ba may gusto ka sa akin. Hindi ka ba natatakot na magkabalikan kami ha pag pinatawad ko siya ?" medyo napipikon na niyang tanong dito.
           "Ha talaga lang ha, papano mo patatawarin ang isang taong hindi ka na naman galit," mabilis na sagot nito. "Baka nga mahalikan mo pa siya sa tuwa mo sa ginawa niya. Sandali, huwag handshake lang pala. Gusto ko para sa akin na lang iyang mga halik mo."
           "Ikaw ha, hindi mo na ako ginagalang niyan, nabwibwisit na ako sa iyo," madiing saway niya.
           Bigla namang nanahimik ito pagkatapos ay muli siyang sinulyapan na seryosong-seryoso ang mukha. "Hindi, iyon kasi ang gusto kong isipin. Ang gusto ko wala ka nang galit sa kanya, dahil pag nagkaganoon ibig sabihin ako na ang lalaking higit na mahalaga o pinakamahalaga para sa iyo. Dahil ganoon ka sa akin, ganoon ka para sa akin. Ang ipinagtapat ko sa iyo gustong-gusto lang kita pero ang totoo higit pa roon ang nararamdaman ko pinipigilan ko lang ang sarili kong sabihn dahil gusto ko maayos na muna ang lahat bago ko pa sabihin ang mga katagang iyon." Bigla nitong inapakan ang preno at itinigil ang sasakyan. Muli siya nitong sinulyapan at tinitigan sa mga mata. "Pero ngayon nagbago nang isip ko.... ayoko nang magsayang ng kahit na kunting sandali.... mahal kita Alana, mahal na mahal." Dahan-dahan nitong hinawakan ang isang kamay niya. Naramdaman agad niya ang pagmamahal nito para sa kanya. Nararamdaman niyang totoo ang inaalay na pagmamahal nito para sa kanya. Pero pinigilan niya agad ang sarili niya na sumagot. Pinilit niyang itinago dito ang nararamdaman niya, mabuti na nga lang at bigla itong nagsalita at bumawi na parang balewala.
           "O ayan nasabi ko na sa iyo. Ngayon alam mo nang mahal na mahal kita at patay na patay ako sa iyo," relaks na relaks na sabi nito. "Ooops huwag kang sasagot baka mamaya masaktan lang ako sasabihin mo," pabirong sabi nito na kunwang nag-aalala.
           Ngumiti lang siya bago nag-iwas ng tingin. Nagpatuloy naman muli ito sa pagmamaneho. Pareho silang natahimik sa kanilang kinauupuan. Medyo natatagalan na ang kanilang pananahimik kaya umubo ito ng bahagyai, tumingin sa kanya at humirit. "Hindi mo pa ba talaga ako sasagutin ngayon ha?"
           "Hindi," mabilis at medyo napalakas na sagot niya. "Hahayaan lang kitang manligaw at nakikipag-kaibigan lang ako, naalala mo..."
           "Okay, I understand," sagot naman nito. "Irerespeto ko kung ano ang sa tingin ko'y tama para sa iyo sa ngayon. Maghihintay ako kung kailan mo ako matutunang mahalin, ganoon kita kamahal Alana."
           "Maraming salamat at nauunawaan mo ako Henry." Tumango lang ito sa kanya nang bahagya at muling ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Nakita niyang huminga ito ng malalim pero agad namang ngumiti. Ngiting nagpangiti rin agad sa kanya. Hinawakang muli nito ang isang kamay niya. Sinulyapan niya ang mainit na palad nitong nakahawak sa palad niya. At naamin niya sa sariling nagugustuhan na niya iyon at nararamdaman niyang hahanap-hanapin na niya iyon sa mga susunod na araw.

                                                                                            Chapter 7

           "HOY loko ka, ba't mo itinigil ang sasakyan mo dito, motel to a! Anong akala mo sa akin!" nagimbal na pahayag ni Alana.
           "Sandali lang, papasok lang tayo riyan para maligo," sagot naman nito. "Galing tayong dagat, nakalimutan nating maligo pagkatapos."
           "Ayoko pa rin, umalis na tayo rito kundi magagalit na talaga ako sa iyo," pagbabanta na niya dito.
           "Kahit lambingin kita at kulitin kita nang kulitin hindi ka pa rin papayag ha," sabi nito.
           "Huli na 'to, paandarin mo na iyang sasakyan mo at umalis na tayo dito, Henry!" pagalit na utos niya dito.
           "Ikaw naman magagawa ko ba sa iyo iyan eh alam ko namang mabuti kang babae," nakangiting pahayag nito. "Pero tutuloy pa rin tayo para maligo." At agad na pinaharorot ang sasakyan paloob at bago pa siya makapagsalitang muli ay ipinapakan na agad nito ang preno at tumigil.
           Galit na galit na tinitigan ni Alana ito. Tatakbo na lang sana siya palabas pero mabilis nitong nahawakan ang kanang braso niya na agad namang nagpatigil sa kanya sa lakas nito.
           "Pupunta tayo sa office ko Alana..." marahang sagot nito na nakatingin sa mukha niya.
           "Ha anong office mo, ano ka ba rito sikat na roomboy na may office ha?" nanunuyang tanong nito na kahit papano'y kumalma na.
           "Ikaw talaga kung hindi ka lang gumaganda pag nagsusungit ka," nasabi na lang nito at agad na binuksan ang isang maliit na pintuan sa harapan nila. Agad niya itong binuksan at nagulat agad siya sa nakita niya.
           "Ano 'to ba't maraming mga...."
           "Department Store opo, amin iyan CEO ako dito," mabilis nitong sagot. "Itong pintuang ito, piginawa ko ito para mabilis kong matakasan ang mga makukulit kong girlfriend dati. Pero ikaw idinaan kita dito, kasi ikaw ang mahal ko. Hinding-hindi ko kailan man gagamitin ang pintuang ito para takbuhan ka."
            "Talaga..." nasabi na lang niya. Agad naman siyang inakay papasok nito at nagulat siya sa mga naging reaction ng mga Salesladies na nakakita sa kanila.
            "Ano ito milagro!" mabilis na hirit ng isang medyo may edad nang babaeng nakauniporme. "Hindi ba't ginagamit mo ang pintuang iyan para takasan mo ang mga chicks mo ha? Ba't ngayon pumasok kang may kasamang babae riyan?" sunod-sunod na tanong nito.
            "Oo nga milagro nga!" halos sabay-sabay na nasabi ng iba pang mga tauhan nito.
            "Hindi milagro to, ang tawag dito pagmamahal, pag-ibig, love," sagot naman nito sa mga ito. Yumuko ito ng bahagya para mapagmasdang mabuti ang mukha niya. "Hindi niyo ba babatiin ang Madame niyo ha?"
            "Good afternoon Ma'am...." magalang at sabay-sabay na bati ng mga empleyado nito.
            Sumulyap muna siya kay Henry at nang makita niyang tumango ito ng bahagya ay bumati na rin siya sa mga ito. "Good evening din..."
            "Ang ganda niyo naman ma'am," puri ng may edad nang babaeng lumapit sa kanila.
            "Magandang-maganda," mabilis na pagsang-ayon nito at agad na may ibinulong na utos dito.
            Hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa, kaya nagkasya na lang siyang panoorin ang kabuuan ng first floor ng Department Store nito. Ilang sandali lang ay inakay na siyang muli ni Henry. Akyat tayo, pupunta na tayo sa office ko. Muli na naman siyang inalalayan nito at nang makapasok na sa loob ng elevator ay muli niyang pinagmasdan ang mukha nito. Napansin niyang kalmadong kalamado ito. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito. Sumulyap ito sa kanya at ngumiti ng bahagya. "Sorry kung tinakot kita," umpisa nito. "Pero kailangan kong gawin iyon para makilala mo agad ako nang lubusan. Para malaman mo agad kung ano ako sa ibang mga babae at kung ano ako sa iyo.
           Hindi na siya sumagot ni umimik man lang. Tinanggap na lang niya ang muling paghawak ng kamay nito sa kanyang kamay. Pero sa mga sandaling iyon ay hindi na ito nagkasya sa paghawak-hawak lang ng kamay niya, inakbayan na niya ito at ilang sandali lang bumukas na ang pintuan ng elevator at bumangad sa harapan niya ang labas ng opisina nito. Agad silang binati ng sekretarya nito. Binati din naman agad nila ito pabalik. Inutusan naman agad nitong ipagtimpla sila ng kape. At nang makaalis na ito ay binuksan ni Henry ang pintuan ng kanyang office, ni hindi ito pumasok paloob. Itinuro lang niya ang pintuan kung saan naroroon ang kanyang bathroom.
            "Dito lang ako sa labas ng office ko, pumasok ka na sa loob at maligo Alana," utos nito. "Pagkatapos mo ay ako naman ang maliligo. Kaya bilisan mo, akin iyan hindi pa sa iyo," biro nito uli na nagpatawa sa kanya nang bahagya.
            "Sandali papano wala akong dalang damit dito," pahayag niya dito.
            "Ibinulong ko na kanina nang nasa first floor pa tayo, malamang dumating na ang mga iyon maya-maya lang," sagot nito. "Huwag kang mag-alala magaling iyon, isang tingin alam na agad niyon ang sukat mo. Pinadamihan ko na lang ang pinakiusap ko para mapagpilian mo pagkatapos."
            Ngumiting nagpasalamat na lang siya at matapos niyang maisara ang pintuan ng office nito ay agad nang nagtuloy sa banyo. Nakita niyang marami ang nakatupeng bagong tuwalya dito kaya natuwa siya at may magagamit siya. Matapos niyang mabuksan ang shower ay agad siyang naligo. Mabilis siyang natapos at nagpatuyo. Ilang sandali lang ay narinig niya ang pagkatok sa pintuan ng office nito kaya lumabas na siyang nakatapis ng tuwalya. Narinig niya ang boses ng isang babae at mabilis niya itong nabosesan. Lumapit kaagad siya at pintuan at bahagyang sumilip.
            "Pumasok ka na sa loob Cheding." Narinig niyang utos ni Henry. Pagkatapos maisarang muli ang pintuan ay agad nitong inilatag sa mahabang sofa ang dalang mga bistida. At laking gulat niya dahil tama ang sinabi nito na magaling kumuha ng sukat ang babaeng ito sa isang tinginan lang. Natuwa siya sa napili niyang dilaw na bistida. Bagay na bagay ito sa kanya habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin sa loob ng office nito.
            "Nagustuhan niyo po ba ang damit na iyan Ma'am?" magalang na tanong na bahagyang nakangiti sa kanya.
            "Opo," sagot naman niya. "Maraming salamat po."
            "Ano pwede na ba akong pumasok ha?" medyo pabirong tanong nito mula sa labas. "Okey na, wala nang peligro ha?"
            "Opo sir, pwedeng-pwede na po!" sagot naman ng babae.
            Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at agad na pumasok ito. Ipinakita agad nito ang paghanga niya sa kanya. Tumango-tango ito na mukhang kuntentong-kuntento sa nakikita niya. "O ayan Alana tapos ka nang magpaganda, kaya sigi lumabas na muna kayo at ako naman ang magpapapogi," hirit nito sa kanya.
            Ngumit lang siya. "O sigi pag-igihan mo kasi gumaganda pa ako lalo pag may katabing poging-poging lalake."
            Tumawa lang ang babae sa mga narinig nito sa dalawa. Magkasabay silang lumabas ni Alana sa office nito. At ilang sandali lang matapos makaalis ng babae ay lumabas naman agad ito mula sa banyo matapos mag-shower at agad nagbihis. Pagkatapos ay itinaas ang boses. "Pwede ka nang pumasok rito Alana. Tingnan natin kong hindi ka lalong gumanda pa sa tabi ko!"
            Pumasok naman siya agad at nang makita niya ito ay hindi niya mapigilang mapahanga rin agad sa kapogian at kakisigan nito. Hinila naman agad siya nito paharap sa salamin. "O di ba lalo kang gumanda sa tabi ko."
            "Oo na at alam ko na kung bakit, alam na alam..." diin pa niya na nagpangisi lang rito.
            "Tingnan mo nga di ba sabi ko sa iyo, bagay na bagay tayong dalawa," hirit pa uli nito at agad muling hinawakan ang palad niya.
            Nakangiting nagkibit-balikat lang siya pagkatapos ay tinanong niya ito. "Sigurado ka ba talagang gusto mo na akong ipakilala sa mga magulang mo ha?"
            "Siguradong-sigurado," mabilis nitong sagot na hinawakan pa ang isa pang palad nito. Magkaharap na silang nakatayo at tinitingnan ang isa't isa. Ngitian lang sila ng ngitian at masasalamin sa mata ng bawat isa ang nararamdamang paghanga nila para sa isa't isa. Nagkusa nang bumitaw ito sa mga kamay niya kahit ayaw pa naman talaga nitong bitawan dahil gusto niyang maipadama rito ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa kanya. Niyaya na agad siya nito na lumabas na ng opisina nito, pero nang mapansing pinagmamasdan niya ang buong paligid nito ay nagpasya itong umopo muna sa likod ng kanyang misa. Mula sa kinauupuan nito ay binigyan siya nito ng matamis na ngiti na hindi niya maitangging agd na nagpakilig sa kanya. Ang masayahin at pilyong binata ay isa pa lang mahalaga at iginagalang na lalaking may mataas na katungkulan sa isang malaking kompanya. At bigla itong humirit muli. "Alam mo ba kung ano ang naiisip ko mula rito sa kinauupuan ko habang pinagmamasdan kita Alana ha?" at nang hindi siya umimik ay sinagot nito ang sariling tanong pero pinutol din sa kalagitnaan."Nakikita kong pumapasok ka rito na may kasamang dalawang maliliit na..." Pinagmasdang mabuti nito ang ekspresyon ng mukha nito at nang mapansing nakangiti lang siya at waring naiintindihana ang ibig nitong ipahiwatig ay nagpasya nang tumayo mula sa kinauupuan nito. Agad itong muling lumapit sa kanya. Muli nitong hinawakan ang dalawang mga kamay niya at tinitigan ang kanyang mga mata at nagpahayag ng pagmamahal. "Mahal na mahal kita Alana..."
Hindi na nitong hinintay pang sumagot siya bilang respeto sa kanya at sa napagkasunduan nila sa may isla. Binitawan nito ang kanyang mga palad at muling inakbayan. Hinayaan lang niya ito. Nagpasyang lumabas na ng opisina ang dalawa. Pumasok silang muli sa elevator para makababa na. Pagtigil ng elevator ay agad inalis nito ang pagkakaakbay sa kanya. At nang tuluyan na silang makalabas ng elevator ay kaagad silang hinabol ng mga tingin at ngiti ng masasayang mga empleyado ng Department Store nito. Haltang tuwang-tuwang makitang may kasamang magandang babae ang Boss ng mga ito. "Good bye sir.... Good bye ma'am..." Ngumiti lang pabalik ang dalawa sa mga ito habang patuloy silang naglalakad papunta sa main entrance. Napansin niya ang pagkagiliw at respeto ng mga empleyado para rito.

                                                                              Chapter 8

            "PUMUNTA na muna tayo sa likuran doon kasi nakaparada ang isa ko pang sasakyan," sabi ni Henry kay Alana. "Iyon ang sasakyan natin papunta sa amin."
            Sumunod naman ito sa kanya. Napansin niya ang sandaling pananahimik nito habang sila ay naglalakad kaya muli niya itong kinausap. "Ano bang iniisip mo Alana ha?"
            "Ha, sigi na nga, ikaw," sagot nito.
            "Talaga ako ang iniisip mo Alana," natutuwang sabi niya. "Ano naman ang naiisip mo tungkol sa akin, balak mo na bang baguhin ang napag-usapan natin sa isla ha?"
            "Ikaw talaga, hindi napansin ko lang kasi... mukhang gustong-gusto ka talaga ng mga empleyado mo," umpisa niya. "Biruin mo, kararating pa lang natin kanina, sinalubong ka agad nila at sinabihan ng 'Milagro' parang hindi sila natatakot na biruin ka, parang kaibigan lang ang binibiro nila gayong ikaw ang may-ari ng pinagtratrabahan nila."   
            "Oo kasi kaibigan ko naman talaga silang lahat. Karamihan sa kanila matagal na sa amin. At sinisikap kong maibigay ang lahat ng mga nararapat para sa kanila. Ayokong makitang hindi sila masaya habang nagtratrabaho sila para sa amin. Naniniwala kasi ako na, pag masasaya ang mga empleyado, lalago lahat ng negosyo. Ganoon lang kasimpli iyon," magiliw niyang sagot rito. At ng mapansin niyang seryosong nakikinig ito sa kanya ay muli na naman itong humirit. "At higit sa lahat natutuwa ang mga iyon kasi ang Boss nila mabait na poging-pogi pa."
            "Ikaw talaga, maganda na sana eh," nakangiting umiiling na nasabi na lang nito habang sila'y patuloy na naglalakad.
            Nangiti lang siya sa reaction nito sa sinabi niya, agad lang siyangg muling nagpapogi at inakbayan ito. Nang malapit na sila sa sasakyan niya ay may lumapit na isang batang pulubi sa kanila. Pinagmasdan silang mabuti nito at nang mapansing nakangiti ang dalawa ay agad na nagsalita at nakiusap. "Miss, pahingi naman po ng limos, maawa na po kayo sa akin. Sigi na po tutal mukha naman po kayong mayaman eh, sigi na naman po..." pagsusumamo ng batang pulubi.
            Naawa naman kaagad si Alana kaya nagmagandang-loob ito at kaagad inabutan nito ito ng pera. Pagkatanggap nito ng pera ay kaagad na tiningnan ang palad nito at umiiling-iling sa kung anong dahilan.              
          "Miss dagdagan mo naman ang limos mo sa 'kin, ang pogi-pogi ng boyfriend mo tapos ito lang ang binigay mo sa 'kin, magpasalamat ka naman kay Lord," nakangiting hirit nito na halinhinang nakatingin sa kanilang dalawa.
          "Oo nga naman, ang pogi-pogi ng boyfriend mo, tapos ganyan ka lang kung maglimos sa batang ito, dagdagan mo naman Alana. Magpasalamat ka kay Lord boyfriend mo ako," patawa-tawang sabat at pagsang-ayon niya
          "Sigi na nga dadagdagan ko na ang dami-dami mo kasing sinasabi, pero hindi ko 'to boyfriend 'no," pagtutuwid nito rito.
          At matapos masayang makapagpasalamat ay kaagad namang lumakad papalayo ito subalit hindi pa naman nagtatagal ay may dumating na kaagad na panibagong batang pulubing babae.
          "Sir palimos naman, hindi pa kasi ako nag-aalmusal, gutom na gutom na po ako, maawa na po kayo sa akin sir," makakabag-damdaming pagsusumamo ng panibagong batang pulubi sa kanya.
          At sa awang naramdaman niya para rito ay binigyan naman agad niya ng limos ito subalit pagkatanggap na pagkatanggap nito ng pera ay biglang tumingala at nagsalita uli.
          "Sir ang ganda-ganda ng girlfriend mo, tapos ito lang ang binigay mo sa 'kin, dagdagan mo naman, magpasalamat ka kay Lord."
          Natawa bigla si Alana at gumanti ng hirit sa kanya. "Oo nga naman ang ganda-ganda ng girlfriend mo tapos ganyan ka lang kaliit kong magbigay ng limos. Magpasalamat ka kay Lord."
          "Hoy bata, magkapareho lang ang hirit niyo ng naunang batang pulubi kani-kanina lang ah, ano 'to ha?" natatawang sita niya rito.
          Namula bigla ito. "Ha..." nasambit na lang nito na napakamot sa ulo nito
          Bigla namang bumalik at lumapit ang naunang pulubi sa tatlo.
          "Hoy, ba't hindi mo sinabing nanlimos ka na sa kanila. Ayan nabisto tuloy gimik natin..." sumbat ng batang babaeng pulubi sa kasama.
          "Ikaw naman kasi, sabi ko nang huwag kang masyadong maglalayo sa akin eh para alam mo kong anong mga sinasabi ko sa mga nagdaraan. Iyan tuloy patay tayo, nakakahiya naman...." medyo nahihiyang sita nito rito.
          Nagkatinginan sandali sina Alana at Henry sa mga narinig nila sa dalawang batang pulubi. Biglang tumawa si Alana kaya natawa na rin siya.
          "O sigi na nga dahil sinabi mong girlfriend ko na itong si Alana bibigyan din kita. O ito, dalawang tig-limang daan iyan. Sa inyong dalawa na iyan, hati kayo" nakangiting sabi niya. "Pambili niyo ng pagkain iyan ha, maliwanag."
          "Opo! Maraming salamat po! Maraming salamat po sir!" sabay at tuwang-tuwang pasasalamat ng dalawan at kaagad na kumaripas ng takbo papalayo.
          "Ang bait-bait mo naman Henry, ha," nasabi na lang nito.
          "At ang pogi-pogi pa," mabilis na sagot niya habang sinusulyapan at nginingitian ito.
          "Ikaw talaga, parati mo na lang sinasabi 'yan," nasabi na lang muli nito.
          "Hindi kasi, tinitingnan ko ang mukha mo 'pag sinasabi ko iyan, 'pag napansin kong napopogian ka na sa akin, ibig sabihin akin ka na, aking akin," nakatawa at mayabang na sagot niya.
          "Ay naku, ikaw talaga... di ang ibig sabihin, sa iyo na rin ang lahat ng mga babaeng iyon nakatingin sa iyo ngayon ha....?" sabi nito habang nakatingin sa mga babaeng halatang napopogian sa kanya.
           "Ha.... iba naman iyan, sa iyo lang naman ako nagpapapogi eh," maayos at papoging paliwanag niya.
           "Talaga..."
           "Talagang talaga, gusto mo yakapin pa kita rito, para malaman nila na wala na silang pag-asa dahil sa 'yong sa 'yo lang ako." At agad humakbang papalapit dito at umakmang yayakap.
           "Subukan mo lang," pailing-iling subalit nakatawang saway nito.
           Inawat naman agad niya ang sarili na yakapin ito. "Tayo na nga, para naglalambing lang ang tao eh..." Natatawang pinagmasdan na lang nito siya habang kunwaring nagdadabog habang sinususian ang pintuan ng kanyang sasakyang kulay asul. At nang mabuksan niya ito ay agad na tumalikod at pinasiklaban siya ng isang magandang ngiti at yumuko nang bahagya. "Hop in my queen."
           Ginandahan naman nito ang tayo na parang reyna pagkatapos ay dahan-dahang naglakad palapit sa kanya. Nang makalapit na ito ay binigyan nito siya nang mapang-akit na tingin at ngiti. Nagkunwari naman agad siyang nanghina kaagad sa namalas niyang labis na kariktan nito. Muling naupong magkatabi at malapit ang dalawang kahapon lang nagkakilala. Parehong walang paglagyan ang kaligayahang nararamdaman nila sa piling nang isa't isa. Huminga pa siya nang malalim upang ipakita rito na nahihirapan kunwari siyang itutok ang buong atensyon sa pagmamaneho dahil mas gusto niyang titigan na lang nang titigan ito sa kanyang tabi sa loob ng kanyang sasakyan. Huminga muli siya nang malalim at muling nagmaneho na seryosong seryoso ang mukha at tutok na tutok sa pagmamaneho at hindi na tinitingnan o sinusulyapan man lang pa ito.
           Natatawa ito sa ekspresyon ng mukha niya habang nagmamaneho. "Hoy, anong problema mo, masakit bang leeg mo ha?" birong tanong nito at humalakhak nang bahagya. Pero hindi pa rin niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagmamaneho na lalo pang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha. "Hoy ano nga sabing problema mo, may masakit ba ha?"
           Nagkunwari naman agad siyang biglang natigilan sa narinig rito at agad itong sinulyapan na kunwang na-excite nang bahagya sa narinig. "Bakit mamasahiin mo ha?"
           "Sira akala nito, bumalik ka na nga lang diyan sa seryosong pagmumukha mo," mabilis at nakatawang sagot nito.
           "Sayang naman akala ko nakalusot na," pabirong sagot naman agad niya na kunwang nanghihinayang sa pagkakataon. Pagkatapos ay muli na naman siyang nagmaneho ng normal niya. Nagmamaneho nang nagmamaneho at pasulyap-sulyap sa magandang katabi niya. Makalipas ang mga dalawampung minuto ay narating na nila ang lugar na kinatatayuan ng napakalaking tahanan niya at ng kanyang mga magulang. Mula sa kinauupuan nito sa loob ng sasakyan ay pinagmasdan kaagad nito ang kabuuan ng kanilang bakuran at ang nakalitaw na bahagi ng naakagandang malaking bahay. Napansin agad niya ang paghanga nito sa kanilang tahanan kaya hiniritan niya muli ito. "Halika na mahal pasok na tayo sa ating bahay, masakit ng katawan tuloy na agad tayo sa taas."
           "Beh, asa ka pa, sa baba lang tayo 'no. Umakyat kang mag-isa mo," pabirong sagot nito. Ilang sandali lang ay nagbukas na ang malaking kulay pulang gate. Umabante naman agad siya at nang makalapit na sa harapan nang kanilang malaking bahay ay agad siyang bumaba para muling alalayan ito.
            "Oy kuya, sino iyang kasama mo ha?" mabilis na tanong ng isang pitong taong gulang na batang lalake na humahangos papalapit sa kanila matapos muling maisara ang malaking gate na binuksan nito. Tiningnan nito ng mabuti si Alana. Tiningnan mula ulo hanggang paa.
            Sinaway naman agad niya ito ng pabiro. "Hoy huwag ka ngang makatingin nang ganyan sa kasama ko, parang ngayon ka lang nakakita nang ganito ka ganda."
            Pero hindi siya pinansin nito at agad na nagtanong kay Alana. "Oy girlfriend ka ba ng kuya ko ha?"
            Napatingin na lang bigla ito sa kanya. Kaya siya na lang ang sumagot rito. "Pinapangarap ko pa lang maging girlfriend, kaya tulungan mo akong mapasagot agad 'to ha."
            "Oo ba, basta ba... alam mo na..." nakangiting sabi nito.
            "Ano bang sinasabi niya ha?" tanong ni Alana sa kanya.
            "Pagka ganyan iyan, pera na naman ang ibig sabihin niyan," sagot agad naman niya.
            "Kuya naman binibisto mo naman agad ako eh. Pero kunwari ka pa riyan, mukhang hindi mo naman kailangan ng tulong eh. Idol nga kita sa mga ganyan eh," pangiti-ngiting bawi nito sa kanya.
            "Ikaw ha umayos ka ha," sabi niya pero agad namang bumaling kay Alana. "Hindi ko na ba kailangan pa ng tulong ha Alana?" biro niya rito.
            "Eywan ko... " pasimpling sagot nito sa kanya.
            "Sigi na nga ikaw ang bahala," nasabi na lang niya. "Ito nga pala si Miggy, nag-iisang anak ng mayordoma namin. At ito namang magandang katabi ko ay si Alana."
            "Magandang hapon po," magiliw na bati nito kay Alana.
            "Magandang hapon din," bati din nito sa bata.
            "Ang mama at daddy andiyan pa ba ha?" tanong agad niya.
            "Opo kuya, tumingala ka ayon o, kanina pa kayo pinagmamasdan sa taas," mabilis nitong sagot.
            Tumingala naman agad sina Henry at Alana sa itinuturong bahagi ng bahay ni Miggy. Nakita agad niya ang kanyang mga magulang na masusing nakatanaw sa kanila mula sa ikalawang palapag ng kanilang malaking bahay. Kinawayan agad niya ito at binati ng ngiti. Agad namang umalis malapit sa may bintana ang dalawa. Nag-alala tuloy nang bahagya si Alana. Natakot ito na baka hindi siya nagustuhan ng kanyang mga magulang dahil sa bigla nilang paglayo. Napatingin ito sandali sa kanya na nagpapahiwatig nang kunting pag-aalinlangan. Subalit nginitian lang siya nito at inakbayang muli pagkatapos ay inilakad palapit sa nakasarado pa rinng pintuan ng kanilang bahay. Sumigaw naman agad si Miggy at tinawag ang kanyang ina sa loob. "Mama! Mama buksan mong pinto andito na si kuya at may kasama!"
            Naghintay sila sandali para mabuksan ang pintuan. Pakabukas na pagkabukas ng pintuan ay agad na bumati ang kanilang mayordoma. "Magandang hapon po Senyorito." Nakangiti ito sa kanya at nang mapansin ang kasama niya ay napatitig siya dito at agad na nagtanong sa anak nito. "Miggy? Miggy?"
           "Opo mama, magkasama silang dumating, magkasama po silang dumating sa loob ng sasakya ni kuya Henry," mabilis nitong sagot rito kahit pangalan lang nito ang binanggit nito.
           Napansin agad ni Alana na natuwang nagulat ang nanay nang bata sa narinig rito. Sinulyapan agad nito si Henry na parang nagtataka sa nakitang ekspresyon ng mayordoma matapos sagutin ng anak nito. Subalit nginitian at hinila niya lang ito nang marahan at nagpatuloy sa pagpasok sa kanilang bahay matapos bigyan ng makahulugang ngiti ang kanilang mayordoma.

                                                                                     Chapter 9
         
            NAUPONG magkatabi sa malaking sofa sina Henry at Alana. Inakbayan niya ito nang marahan, nginitang muli at agad kumalas para ilipat ang kamay sa palad nito. Pinisil niya ito ng marahan para payapain ito dahil nararamdaman niyang parang nag-aalala ito ng kunti. Pakiramdam niya'y natakot ito sa ginawang mabilis na pag-alis ng mga magulang sa may bintana. Sumulyap ito sa kanya at nang makitang panatag na panatag lang siya ay minabuti na lang nitong pagmasdan ang buong kabahayan. Napahanga naman agad ito dahil kung gaano kaganda ang labas ay ganoon din kaganda ang loob ng kabahayan. Lahat nang nakita niyang mga gamit sa loob ay halatang mamahalin at magaganda. Napansin niya ito kaya kinausap niya ito sandali. "Nagustuhan mo bang bahay namin Alana?"
           Tumango naman agad ito at sinabing nagagandahan ito rito pero napansin niyang muling nag-aalala ito ng bahagya. "Huwag ka ngang ganyan, di ba sabi ko mababait ang mga magulang ko. Hintay ka lang baba rin ang mga iyon mayamaya lang. Malamang nag-aayos lang ang mga iyon para ma-impress ka sa kanila," pabiro niyang sabi rito.
            Natawa ito nang bahagya sa sinabi niya. At ilang sandali lang ay bumaba na nga ang mga magulang niya. Tahimik lang ang dalawa at pinagmamasdang mabuti si Alana habang sila'y papalapit sa kanila. Kinabahang muli ito sa inaasal ng dalawa. Napayuko tuloy ito bilang pag-iwas sa mga tingin ng mga ito. Dahan-dahang umupo ang dalawa malapit sa kanila sa may sala. Umubo ng bahagya ang daddy niya. Napatingin agad si Alana dito at napansin niyang nakangiti ito sa kanya maging ang mama nito ay nakangiti rin. Nawala agad ang bahagyang kabang naramdaman nito kanina. Nginitian din niya ito pabalik pagkatapos ay sinulyapan siya. Pinisil niya ang kamay nito at agad na bumaling sa mga magulang. Napansin agad nitong napatingin agad ang dalawa sa kamay nitong pinisil niya. Nahiya ito ng bahagya kaya kinalas agad ito ang kamay niya. Natawa tuloy ang mga magulang niya. Kaya natawa rin ito.
           "Miggy, dalhan mo nga ng maiinom ang bisita ng kuya mo," utos ng daddy niya. Sumunod naman agad ito at mabilis na naglakad papuntang kusina na kinaroroonan ng ina nito. "Natatakot ka ba sa 'min iha?" tanong nito. "Pasensya ka na sa amin kanina. Alam kong kakaiba ang inasal namin pagkakita namin sa iyo mula pa kanina sa labas ng bahay hanggang dito sa loob. Naninibago lang kasi kami. Hindi kami sanay."
           Pilit bumati si Alana sa dalawa. "Magandang hapon po."
           "Ma, Dad, ito nga pala si Alana, nililigawan ko," pakilala niya rito sa kanyang mga magulang.
           "Nagustuhan mo ba dito sa amin iha?" tanong ng nanay niya rito.
           "Opo, maganda po kasi ang bahay niyo," sagot lang nito sa kanya.
           "Mabuti kung ganoon," sagot nito. "Ako nga pala si Laura, at ito naman ang asawa kong si Lorenzo," pakilala nito sa sarili at sa asawa nito.
           "Hindi ba't napakaganda ng kasama ko ma, dad," pagmmayabang agad niya sa mga magulang.
           "Oo anak, napakaganda nga nitong si Alana," pag-sang-ayon agad nito. "Naalala ko tuloy noong unang beses kong makita ang mama mo, parang ganitong-ganito rin kaganda." Agad naman itong umakbay sa mama niya hinatak pa nang bahagya palapit dito.
          "Ikaw naman, alam ko namang magandang-maganda ako nang unang makilala mo," sagot naman agad ng mommy niya. "Pero hindi naman ganito kaganda, masyadong maganda ito eh."
          "Hindi naman po," nasabi na lang nito sa mommy niya.
          "Anong hindi, magandang-maganda ka iha," muling sabi ng mommy niya. "At bagay na bagay kayong magkatabi ng anak namin."
          "Saan ba kayo nagkakilala nitong si Alana Henry," tanong ng daddy niya habang nakatingin sa kanya.
          Nagkatinginan sandali sina Henry at Alana. Tumawa siya nang bahagya, nag-aalangan siya kung sasabihin ba niya kung papano niya ito sasabihin. Nagpasya siyang umpisahan sa bangko at hindi sa beach resort. "Una kong nakita si Alana, ma, dad, at lumipas pa ang ilang araw bago niya ako nakita."
          "Ha papa'nong," tanong agad ng daddy niya.
          "Ganito po kasi iyon dad," sagot niya. "Nakita ko si Alana sa isang bangkong pinuntahan ko para magbukas ng isang panibagong bank account."
          "At sa unang kita mo pa lang sa kanya nagustuhan mo kaagad, ganoon ba anak..." nakangiting dugtong nito sa sinabi ng anak.
          "Opo ganoon nga po," nakangiting pagkompirma niya. "Pero, hindi po kaagad ako nakapagpakilala sa kanya. Pero kahapon nakit ako uli siya sa isang beach resort." Agad naman siyang tinapik nang marahan ni Alana sa palad niya bilang pag-awat nito sa kanya.
          "Kung ganoon anak, kahapon lang talaga kayo pormal na nagkakilala," nasabi na lang ng daddy niya.
          Nagkatinginan sina Henry at Alana nang marinig ang salitang pormal mula sa daddy niya. Pero ngumiti lang siya uli at nagpatuloy. At pagkatapos nga po naming magkakilala at mag-usap kahaponi ay niyaya ko siyang sumama sa akin kinabukasan. At kanina nga dinala ko siya sa katapat na isla ng resort na iyon. At kahit sandaling-sandali ko pa lang siyang nakakasama ay siguradong-sigurado na po akong mahal na mahal ko na po itong si Alana."
          "Naniniwala akong mahal na mahal mo nga itong si Alana anak, at nakikita ko naman kong bakit," sagot ng ama niya.
          "At kahit bago pa lang kaming magkakilala at hindi pa po niya ako sinasagot napagpasyahan ko na pong ipakilala siya sa inyo."
          "Medyo masyado ngang mabilis ang mga nangyayari sa inyong dalawa Henry," sabi ng mama niya. "At naniniwala akong mahal mo nga itong si Alana." Bumaling agad ito kay Alana. "Alam mo ba ihang napakarami nang naging girlfriend nitong anak ko ha?" tanong agad nito habang nakatingin rito.
         "Nasabi nga po niya sa akin."
         "Mabuti naman at pinagbigyan mo siyang sumama kaagad dito sa amin at nakita ka namin," sabi nito. "Alam mo bang sa dinami-dami ng naging girlfriend nito, ikaw lang ang nakita naming pumasok sa loob ng bakuran namin na kasabay niya. Dati kasi, basta na lang may sumusulpot ritong babae at nagpapakilalang girlfriend siya ng anak namin. At pag-uwi at nakita ito ng anak namin kinokompirma din naman nitong si Henry na girlfriend nga niya ang mga ito. Kaya lang paulit-ulit lang ng ganoon ang nangyayari, may babaeng pupunta rito at maghihintay sa pagdating nitong anak namin. Ni minsan, wala ni isa mang babaeng dumating sa bahay namin na kasabay niya. Kaya nga laking gulat namin kanina nang makitang ibinaba ka niya sa sasakyan niya," salalaysay ng mama niya kay Alana.
         "Tama iyon iha, malamang nag-aalinlangan ka pa marahil sa pagmamahal na inuukol sa iyo ng anak namin," sabi pa ng ama niya. "Pero ako na mismo ang magsasabi sa iyo, mahal ka talaga ng anak namin."
         Hindi umimik si Alana bagkos ay ngumiti lang ito sa mga magulang niya. Sinulyapan naman agad niya ito nginitian at kinindatan ng pinong-pino. Matapos makitang kinindatan ng anak nito si Alana ay muling nagsalita ang mommy niya. "Alam mo iha natutuwa akong makilala ka kasi gumaan na bigla ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ngayon hindi na ako kontrabida."
         Nagtaka si Alana sa sinabi nito. Muli namang nagpatuloy sa pagsasalita ang mommy niya. "Dati rati kasi, wala ni isa mang naging girlfriend itong anak ko ang nagustuhan ko. Pakiramdam ko tuloy nagiging unfair ako, inaayawan ko sila maski wala naman akong nakikitang ginagawa nilang masama sa akin o sa anak ko. Basta ayaw ko lang sa kanila para sa anak ko. Pero ikaw iha, ngayon pa nga lang kita nakikita at nakakausap ay napakagaan na agad ng loob ko sa iyo. Gusto kita para sa anak kong si Henry. Nararamdaman kong isa kang mabuting babae at liligaya ang anak ko sa piling mo. Mahal na mahal kasi namin ito kaya ang gusto ko maging masaya siya palagi."
        "Maski ako rin iha, gustong-gusto rin kita para sa anak kong ito," pagsang-ayon ng daddy niya.
        Sa tuwa niya sa narinig sa mga magulang niya ay napaakbay kaagad siya kay Alana. Napansin niyang nag-alangan at nahiya nang bahagya ito, subalit hindi niya ito pinansin bagkos ay lalo pa niyang idiniin ang pag-akbay niya rito, sinulyapan at nginitian. Kaya hinayaan na lang nito siya at ngumiti na lang din.
        Biglang bumaling ang mommy niya sa kanya at mabilis na nagsalita. "Hoy ikaw Henry ha umayos ka, ayokong lolokohin mo itong si Alana. Dapat maging katulad ka ng daddy mo. Ni minsan ay hindi ako niloko nito. Alam mo iyan. Alam na alam mo iyan."      
        Agad lang siyang ngumiti na tila natuwa pa sa pagsita sa kanya sa harap ni Alana. "Mabuti naman at sinabi mo iyan mom, iyan naman talaga ang gusto kong marinig ni Alana kaya ko siya dinala rito," mabilis niyang sinabi pagkatapos ay agad sinulyapan at nginitian pa si Alana.
        "Ha anong ibig mong sabihin anak?" bahagyang nagtatakang tanong ng mommy niya sa kanya.
        "Amin na lang ho iyon ni Alana ma. Basta salamat sa magandang pagtanggap niyo ni Daddy rito sa mahal ko," pasasalamat at masayang sabi niya.
        "Miggy asan na ba iyong inuming pinapakuha ko para rito kay Alana ha?" naitanong nito kay Miggy na kanina pa nanonood sa kanila.
        Bigla namang dating at pagpasok ng nanay ng bata dala ang mga malamig na inumin para sa kanilang lahat. "Ito na po senyor, kanina ko pa talaga ito ipapasok rito kaya lang nakita kong seryosong-seryoso ang usapan niyo kaya minabuti kong makinig muna... este huwag na munang tumuloy at baka makaistorbo pa po ako," paliwanag agad nito.
        Natawa na lang ang apat sa nalamang ginagawa ng mayordoma habang nag-uusap sila. Kinausap pa ng kinausap ng magulang niya si Alana. Ikinuwento nitong nasa Amerika na pareho ang mga magulang nito kasama ang nakatatanda niyang kapatid na babae at tatlong makukulit na apo. Sinabi rin nitong wala itong balak sumunod rito kahit alam niyang gustong-gusto ng magulang nito tutal naman daw ay naroon naman ang mga pamangkin nito para pasayahin din ang mga ito. Na nagpatuwa naman agad sa kanya dahil mas makakasama pa niya ito ng matagal. Pagsasamang kinasasabikan niya at alam niyang magpapaligaya sa kanya.
        HABANG tumatagal ang usapan nila ay napapansin niyang napakasaya ng pamilya ni Henry. Nakita niyang mahal na mahal ng daddy nito ang mama nito. Nakita rin niya kong gaano kahalaga para sa mga ito ang kaligayahan ng minamahal nilang anak. Naramdaman niya ang pagkagiliw ng mga ito sa kanya. At nagpasalamat siya nang tahimik. Pero mas higit siyang nagpasalamat na malaman na nagsasabi ng totoo si Henry tungkol sa pamilya nito. Napahinga siya sa kasiyahang siya ang napiling mahalin nito. Para tuloy gusto na niyang makaharap si Jonathan para masabi na niya ang mga bagay na dapat niyang sabihin dito ng tuluyan na nga siyang maging malaya, malayang suklian ng pagmamahal ang pagmamahal na iniuukol para sa kanya ni Henry. Napatawa siya ng marahan ng maunawaang naamin na niya sa sarili niya na mahal na rin niya ito. Kasiyahang napansin naman agad ni Henry na nagdulot rin dito ng kasiyahan. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagpasya nang ihatid siya nito sa kanyang bahay na sinang-ayunan naman niya dahil gusto pa talaga niya itong makasama ng matagal sa araw na iyon. At matapos na makapag-paalam ng maayos sa lahat ay muli na siyang isinakay ni Henry sa sasakyan nito. Muling nagmaneho ito katabi niya. Napapansin niya ang kaligayahan sa mukha nito. At batid niyang siya ang nagdudulot nito rito. Para sa kanya iyon na ang pinakamaligayang araw niya sa buhay niya, kaligayahang alam niyang ito lamang ang maaring makapagbigay sa kanya. Pagkalipas lang ng ilang sandali ay narating na nila ang kanyang tahanan. Agad namang binuksan nito ang sasakyan at muli na naman siyang inalalayan sa pagbaba.
      "Andito na tayo sa bahay mo mahal, ano bang balak mo ha?" pilyong tanong nito.
      "Ikaw nga yata ang may binabalak diyan eh, pero umayos ka ha," pabirong banta niya dito. "Halika na nga sa loob nang makapagpahinga ka naman. Kanina ka pa kasi nagmamaneho eh."
      "Aba gusto mo akong magpahinga sa loob ng bahay mo, gusto ko iyan," nakangising sabi nito. Lumakad naman agad sila palapit sa nakasaradong pintuan ng bahay niya at matapos niya itong susian ay agad nagbukas. Tumuloy agad sila sa loob. Nakita nito ang sofa niya, at agad itong naupo at hinintay na makalapit siya rito. At nang tuluyan na nga siyang makalapit ay agad niya itong hinatak paupo sa tabi niya. Pabiro pa itong huminga ng malalim para iparamdam nito ang pagkapagod niya sa mahaba-habang pagmamaneho niya simula pa kaninang umaga.
       "Napagod ka bang talaga Henry ha?" tanong niya rito sa tabi niya sa eleganteng sofa niya.
       Tumango naman ito. "Di bale ikaw naman ang dahilan ng pagkapagod ko mahal," pabirong sagot nito pagkatapos ay idinipa ang mga braso niya at ipinahinga sa ibabaw ng sandalan ng sofa niya. Napansin niyang tinititigan siya nito nang tinititigan sa ganoong ayos ng pagkakaupo. Ipinikit nito ang mga mata niya. Kaya pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito. Ngumiti naman ito bigla nang maramdamang pinagmamasdan niya ito pagkatapos ay iniakbay ang isa nitong braso sa kanya.
       "Napakaligaya ko sa buong araw na ito Alana, kung alam mo lang," sinabi nito habang nakapikit pa rin ang mga mata. "Ikaw lang ang nakapagbigay sa akin ng ganitong pakiramdam. Ganito pala ang kasiyahan pag kasama mo ang tunay mong minamahal."
       Hindi siya umimik ngumiti lang siya habang patuloy siyang inaakbayan nito sa loob ng kanyang bahay. Hinatak pa siya palapit dito at gamit ang isa pa nitong malayang kamay ay inihilig nito ang ulo niya sa kanyang balikat. Hinayaan lang niya ito sa gusto nitong gawin. Nanatili sila sa ganoong ayos na dalawa ng mga ilang sandali. Naramdaman niyang gusto siyang yakapin nito. Bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba. Umisod ito nang bahagya para tuluyan na siyang mayakap sa mga bisig nito na lalo pang nagpabilis ng tibok ng puso niya. Bigla namang may kumatok sa pintuan niya. Kaya napigilan agad ito sa gusto sana nitong gawing pagyakap sa kanya. Nagdilat agad ito ng mata at sinulyapan siya. Napangiti na lang ito habang umiiling sa panghihinayang. Umakma siyang tatayo para sagutin ang katok sa may pintuan subalit hinatak siyang pabalik nito sa upuan at gamit ang isa niyang daliri ay senenyasang manahimik lang at baka sakaling magkusa na lang itong umalis at magsawa 'pag walang sumagot sa may pintuan. Pilit nilang pinipigilan ang pagtawa para hindi sila marinig ng kumakatok sa labas.
      Pero bigla itong nagsalita at. "Hoy friend buksan mo nga itong pinto mo, alam kong andiyan ka oy, may sasakyang nakaparada rito," sabi ng babae sa labas ng pintuan ng bahay niya.
      "Sandali si Mariel iyan," nasabi na lang niya rito."Umayos ka sa pagkakaupo mo riyan at bubuksan ko na muna ang pintuan." Sumunod naman agad ito at umayos nang upo.

                                                                                       Chapter 10

       PAGKABUKAS na pagkabukas ng pinto ay agad nakita ni Mariel si Henry na nakaupo sa may sofa niya. Tinapunan agad siya nito ng nagtatanong na tingin saka umiling na bahagyang nangingiti. Pagkatapos ay mabilis itong nagtuloy papasok at papalapit sa bisita. Tiningnan nito si Henry ng malapitan na waring gustong makasiguro. Muli naman itong bumaling sa kanya. "Anong ibig sabihin nito Alana ha? Ba't magkasama kayong dalawa," tanong agad nito. "Kilala ko 'to eh, ito iyong sinasabi ko sa iyo dati."
      Narinig nitong tumawa si Henry kaya muli itong humarap sa kanya. "Hoy pogi, anong ginagawa mo rito ha?" tanong ulit nito.
      Mabilis naman itong sumagot rito. "Ano pa eh di nagpapapogi," sagot nito na agad ngumisi at inilipat ang tingin sa kanya. Napailing na lang siya sa bahagyang pagkahiya sa matalik niyang kaibigan. Napailing na lang itong muli sa sagot nito rito.
      Muli na naman itong bumaling sa kanya sa likuran nito. "Hoy ikaw Alana hindi ka na ba talaga magsasalita riyan ha," tanong na naman nito. "Ikaw ha wala akong kamalay-malay sa pinagagawa mo. Pagkatapos mong lumabas ng tanghali sa bangko ay hindi ka na nagbalik. Kanina absent ka pa."
      Matapos niyang muling sulyapan si Henry ay naglakas loob na siyang magpaliwanag sa matalik na kaibigan. "Nagkaproblema kasi ako at sabihin na nating nagkataon na nakita niya ako at tinulungan. Parang ganon," sabi niya. "Umupo ka na nga muna at nang makausap kitang mabuti."
      "A ganoon at kailangan talaga nito ng masinsinang usapan ha," pabiro nitong sagot sa kanya. Umupo naman agad ito sa sofang pang-isahan. Muli naman siyang tumabi sa pag-upo kay Henry. Muli pang umakmang aakbay ito pero agad niya itong inawat ng tingin. Kaagad naman itong sumunod na di mabura-bura ang ngiti sa mukha.
      "Sigi na magpaliwanag ka at nang maitindihan ko na kung ano ba talaga ang nagyayari sa inyong dalawa," dagdag pa muli nito habang tinititigan siya.
      "Ganito kasi, hindi ba lumabas ako para bumili ng pananghalian nating lahat," umpisa nito.
      "Oo nga friend, tandang-tanda ko iyan, tandang-tanda naming lahat sa bangko iyan. Pero hindi ka nagbalik pagkatapos. Nagkatuksuhan tuloy sa loob. Sabi tinakbo mo raw ang pera nila. Ipa-blotter ka raw agad namin nang mahuli ka na," natatawang pagtatapat nito sa kaibigan.
      "Ha ganoon ba, tapos ikaw anong ginawa mo hindi mo man lang ba ako ipinagtanggol ha, di ba kaibigan kita," natatawang tanong agad niya.
      "Syempre pinagtanggol kita, pero alam ko namang nagbibiro lang sila," sagot nito. "Ang totoo nag-alala kaming lahat at nadagdagan pa ang pag-aalala namin nang hindi ka pa rin pumasok kaninang umaga. Kaya nga andito ako para malaman kung ano na ang nangyari sa iyo. Tapos makikita ko lang kasama mo itong si pogi rito."
      Umubo lang nang bahagya si Henry at nginitian ang dalawa tapos ay muling tumitig sa kanya na parang inuudyakan siyang magtapat sa kaibigan niya. Naintindihan naman agad niya ito kaya humarap siyang muli sa kaibigan.
      "Oy sigi ituloy mo na ang kwento mo friend at mukhang exciting 'to," udyok nito sa kanya. "Lumabas ka para bumili ng pananghalian natin tapos..."
      "Tapos nakita ko si Jonathan," pagpapatuloy niya.
      "Si Jonathan...  at kasali pa pala talaga iyon sa usapan," nasambit na lang nito. "Sigi tuloy mo, tuloy mo pa at nabibitin na ako."
      "Nakita ko siya mula sa labas ng isang restaurant na hinahalikan ng isang magandang babae, at nakayap pa ito sa kanya," muli niyang pagpapatuloy.
      "Ha talaga sabi ko nga ba hindi mapagkakatiwalaan iyon," nasabi na lang uli nito mula sa kinauupuan.
      "Sabihin na lang nating nasaktan ako, at dahil diyan hindi ko na naisipang bumalik pa sa bangko at nagtuloy sa isang beach resort para mailabas ko ang sama ng loob," kaswal na pagkwekwento nito.
      "Ha talaga, pero bakit sa tono ng pagkwe-kwento mo ay parang hindi ka naman nasaktan ah, parang nagmamaganda ka lang riyan," medyo natatawang pansin nito.
      "Ikaw naman, nasaktan ako 'no umiiyak nga ako eh," pagtutuwid niya sa kaibigan. "Sa may dagat pa nga ako nag-iiyak eh. Mabuti na nga lang hindi nag-high tide sa dami nang linuha ko roon."
      "Ganoon, asan na nga ang gagong iyon nang masapok ko," pabirong sagot nito. "O sigi na maliwanag na friend, pero itong poging ito, ano naman ang kinalaman nito sa mga nangyari sa iyo at ba't andito ito pangiti-ngiti pa."
      Umubo lang uli si Henry na bahagyang natatawa sa pagsasalita ng kaibigan niya. At mabilis itong sumingit nang pasimpli. "Tapos ay nakita ko siya at nilapitan para iligtas..."
      "Ha ano, anong sinabi, iligtas, saan sa luha, sa pagkalunod sa luha ganoon ba ha pogi?" nakakatawang hirit nito. "Hoy Alana anong ibig sabihin nito ha?"
      "Wala, gago kasi iyan, akalain mo napagkamalan ba namang magpapakamatay daw ako," mabilis niyang salaysay at agad na humalakhak.
      "Ha !" nasabi na lang nito sa kaibigan.
      "Oo ganoon nga," natatawang pagtatapos niya. "Ganoong ganoon nga ang nagyari."
      "Tsk... tsk... tsk..." nasabi na lang uli nito. "Sayang wala ako doon, nakakatawa ka naman friend, nakakatawa kayong dalawa." Pero bigla rin itong natigilan at muling nagsalita. "Sandali pero hindi mo pa rin ipinapaliwanag kung ba't andito 'to. Huwag mong sabihing andito ito para iligtas ka uli. Magsabi ka na..."
      "Ako na lang magtutuloy Alana," sabat alok nito sa kanya. Umiling si Alana pero nagpatuloy pa rin ito. "Andito ako, kasi mahal ko na iyang kaibigan mo."
      "Ha !" malakas na nasabi nito na napanganga sa gulat sa sagot nito. "Talaga talaga Alana," mabilis na mabilis na dagdag pa nito uli.
      "Oo mahal ko iyang kaibigan mo, mahal na mahal," seryoso nang sagot nito rito.
      "Ang swerte mo naman friend," nasabi muli nito. "Akalain mo iyan, noong isang linggo tintukso lang kita sa kanya tapos ngayon kayo na agad."
      "Hindi, nanliligaw pa lang hindi ko pa sinasagot," nakangiting sagot niya rito.
      "Ganoon, hindi mo pa siya sinasagot, sa ningning ng mata mong iyan, hindi mo pa talaga siya sinasagot niyan, ha," pagdududa nito sa sagot niya.
      "Hindi pa talaga Mariel," pagdiin niya. "Kakausapin ko muna si Jonathan, gusto ko munang magkaliwanagan at magkausap kami bago ako tuluyang magpasya."
      "Tuluyang magpasya para sa inyo nito ni pogi, ganoon," tukso agad nito na halinhinan pang sinulyapan ang dalawa.
      "Parang ganoon, medyo, oo," nasabi na lang niya.
      "Kung ganoon mahaba-habang kwentuhan pa pala ito," excited na sabi nito sa kanya. "Sigi na ituloy ang kwento at nang malaman ko na ang buong detalye ng inyong namumuong pagmamahalan," pabirong pagdidiin pa nito.
      Matapos magkatinginan sandali sila ni Henry ay agad namang ikinuwento pa niya ang iba pang mga nangyari matapos siyang awatin nito sa beach resort. Tawa lang ito nang tawa habang nakikinig sa mga kwento niya tungkol sa kanilang dalawa. Pinapanuod lang ni Henry ang dalawang babae habang nagkwekwentuhan. Natutuwa ito dahil botong-boto ito rito. At matapos ngang makinig at maintindihan nito ang lahat ng mga kaganapan ng dalawang araw na iyon ay nagpasya na itong umalis na at magpaalam. Nagkusa naman siyang ihatid hanggang sa labasan ng gate niya. Subalit bago pa ito tuluyang makaalis gamit ang dalang sasakyang ay may sinabi ito at tinanong sa kanya na nagdulot sa kanya ng pangamba at agam-agam. Nakalyo na ang kaibigan niya pero hindi pa rin siya matinag-tinag sa kinatatayuan niya. Napahinga siya ng malalim. Sa loob ng bahay niya ay naghihintay pa rin ito sa pagpasok niya pabalik.

       NAKANGITI siyang nag-aabang sa muling pagpasok niya. Nanabik na muli na niya itong masolo at baka sakaling mayakap na niya ito sa pagkakataong iyon. Subalit pagkapasok na pagkapasok pa lang nito sa loob ay napansin agad niyang ang pag-aalala ito. Tiningnan niya itong mabuti mula sa kanyang kinauupuan. Napapatitig siya rito na at pilit na inaalam at binabasa sa mga mata nito kung ano ang nagpapabahala rito. Napansin niyang tila nalilito ito at nag-iisip nang mabuti. Kaya tumayo agad siya at sinalubong ito. Nag-aalala na rin siya. Ayaw niyang makita ito ng ganoon. Tinangka pa niya itong yakapin nang bahagya para panatagin sana ito subalit pinigilan siya nito nang marahan at senenyasan gamit ang mga mata nito na bumalik sa pagkakaupo niya. Sinunod niya ito na nagtataka at nag-aalala. Nakaupo na siya subalit patuloy pa rin itong nakatayo sa malapit at patuloy na nag-iisip. Kaya minabuti na niyang tanungin at kausapin ito. "Ano bang iniisip mo Alana, ba't nagkakaganyan ka?" tanong niya.
      Tiningnan siya nito sandali at dahan-dahang sumagot. "Henry p-papaano kung nagkakamali lang ako?"
      "Anong ibig mong sabihin, Alana," nasambit na lang niya.
      "P-paano kung nagkakamali lang talaga ako," ulit nito na mukhang lalo pang nag-alala. "Papano kung hindi naman pala ako pinagtaksilan ni Jonathan..."
      Natigilan siya bigla sa narinig niya mula rito. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin niya. Wala siyang mahagilap na salita. Tumayo na lang siya at linapitan
ito at tinangkang yakapin para pakalmahin. Subalit ng yayakapin na niya ito ay bigla itong may naalala na nagpapitlag dito.
      Humarap ito sa kanya. "Tama naalala ko na," nasabi nitong bigla na lalong nagpakaba sa kanya. "Tama, naalala ko na. Sinabi sa akin ni Jonathan na papauwi na ang dati niyang girlfriend dito sa bansa natin. Uuwi itong kasama ang boyfriend nitong French upang dito na magpakasal." Nanlaki bigla ang mga mata nito matapos muling may malala. "T-tama, tama habang niyayakap siya nito at hinahalikan sa pisngi sa isang restaurant ay may katabi nga itong matangkad na lalaki na mukhang foreigner. Nanlumo bigla ito. Napaupo itong pabalik sa sofa. Hindi ito makapagsalita. Tinitigan siya nito at sa ganoong ayos ay dahan-dahang tumulo ang mga luha nito sa mga mata.
     "Alana..." nasambit na lang niya sa pagkakatitig niya sa luhaang minamahal.
     "Henry mukhang nagkamali nga yata ako," dag-dag nito habang pilit na pinipigil ang pagluha. "May malaking posibilidad na ang babaeng nakita ko ay dati nga niyang kasintahan. At kasama pa nito ang kanyang foreigner na boyfriend o fiancee sa mga araw na iyon."
     Kinalma niya ang kanyang sarili bago muling nagsalita. "Papano nga kung ganoon Alana..."
     "Hindi ko alam Henry," usal nito. "Hindi ko alam."
     "Mahal na mahal na kita Alana, alam mo iyan," derecho nitong pagpapaalala rito.
     Napatungo ito sa sahig, hindi malaman kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Nanahimik ito sandali pagkatapos ay tiningnan siyang mabuti. "Henry, umuwi ka na muna, kailangan kong makapag-isip, kailangan ko itong pag-isipan ng mabuti."
      "Ayoko," mabilis nitong sagot. "Dito lang ako." Tiningnan niya ito nang tuwid na ipinapakita ang lubos niyang pagtutol rito. "Hindi ako aalis, dito lang ako Alana."
      "P-pero Henry..." nasambit nito habang nahihirapang tumingin sa kanya.
      "Dito lang ako Alana," madiing ulit niya.
      Hindi na nagsalita pa ito. Nanatili na lang itong nakaupo na patuloy na nag-iisip. Makalipas ang ilang sandali ay tumayo ito na waring may pupuntahan.
      "Saan ka pupunta Alana," tanong niya.
      "Sa itaas, sa kwarto ko..." mahinang sagot nito na malamlam ang mga mata.
      "Sigi, pero dito lang ako. Hihintayin kita rito," sabi niya na nakatingin ng derecho sa mga mata nito. Umakyat ito sa hagdanan. Sinundan niya ito ng tingin habang dahan-dahang umaakyat. Ilang sandali lang ay narinig niya ang pagsara nito ng pintuan ng kwarto nito.
       Gumagabi na pero hindi pa rin bumababa ito. Tumayo siya mula sa matagal niyang pagkakaupo sa sofa. Tinungo niya ang kusina nito at sumilip sa loob ng refrigerator. Gamit ang dala niyang tray, mga plato at baso ay kumuha siya at naglagay ng pagkain. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang umakyat papunta sa kwarto nito. Agad siyang kumatok ng makita niya ang nakasarang pintuan nito. Tinawag niya ito at nang hindi ito sumagot ay nagkusa na itong pumasok sa loob.
Agad niya itong nakitang humihikbing nakatagilid na nakahiga sa kama nito. Nilapitan niya agad ito at kinausap nang marahan. "Bumangon ka na muna riyan at kumain, gabi na at pareho na tayong nagugutom." Subalit tiningnan lang siya nito sandali pagkatapos ay isinubsob ang ulo sa unan niya na tila itinatago ang mukha sa kanya.
       "Bumangon ka na muna riyan, huwag kang mag-alala hindi ako mangungulit, hindi kita kakausapin, kumain lang tayong magkatabi," madiin nitong sabi rito.
       Sumilip ito sandali sa kanya pagkatapos ay dahan-dahang bumangon at umopo kaharap niya sa isang maliit na pabilog na misa sa loob ng kwarto niya. Pinagmasdan niya ito sandali sa harap niya. Hindi siya nagsalita. Nagsimula siyang kumain at nang mapansing hindi ito kumakain ay tinitigan niya ito. Minabuti nitong kumain na dahil hindi nito matagalan ang titig nito rito. Pareho silang tahimik na tahimik na kumin. Hindi man nila sabihin ay pareho sila ng nararamdan. Pareho silang nag-aalala na baka ang hapunang iyong ang umpisa ng huli nilang pagsasama at pagkikita. Natapos nila ang pagkain na wala ni isang salitang lumabas sa mga bibig nila. Sinimulan niyang iligpit nang tahimik ang pinagkainan nila.
      "Ako na riyan Henry," nasabi nito.
      "Ako na lang Alana," magpahinga ka na lang at alam kong nag-aalala ka. Hindi na kumibo pa ito. Lalabas na sana siya ng kwarto ng bigla itong nagsalita habang nakatalikod rito malapit sa pintuan. "Anong plano mo, kakausapin mo ba siya..."
     "Oo bukas..." marahang sagot nitong nakatingin sa kanya malapit sa pintuan nito.
     "Dito lang ako, sasamahan kita bukas," sabi niya.
     "Huwag na Henry..." awat nito.
     "Sa baba ako matutulog, sasamahan kita bukas," sabi niya pagkatapos ay agad lumabas ng kwarto nito.
     Nanlulumong pinagmasdan siya nito habang isinasara ang pintuan ng kwarto niya. Ilang sandali lang ay nakababa na ito.
  
     IPINIKIT tmuli niya ang mga mata. Agad na tumulo ang mga luha niya. Ang mga luha niya'y para kay Henry. Ang kalungkutan niya ay para kay Henry. Patuloy na tumagas ang mga luha niya sa mga mata. Nalulungkot at natatakot na baka tuluyan nang mawala sa kanya ang lalaking minamahal na niya. Sa gitna nang pagluha niya ay naamin niya sa sarili na mahal na niya ito, mahal na mahal. At alam niyang labis siyang masasaktan kapag tuluyan na itong mawalay sa kanya. Idinilat niya ang mga luhaang mga mata. Sumulyap siya sa imahe ng diyos gilid ng kanyang kwarto. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. "Lord, m-masama ba ako... m-masama ba akong babae kung hihilingin ko s-sa iyo na sana pinagtaksilan ako ni Jonathan. Natawa siya nang bahagya, subalit nang maalala na ano mang sandali ay maari nang mawala sa kanya si Henry ay muling tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Lord, sana pinagtaksilan ako ni Jonathan! malakas na hiniling at isinigaw niya sa isip niya. Kakatwa pero nagmamakaawa ako sa iyong ibigay mo sa akin ang hinihiling ko... Lord huwag mong hayaang mawala sa akin si Henry..." Lalo pang pumatak ang kanyang mga luha. Kakaiba o nakakatawa pero iyon ang panalangin niya.

       TAHIMIK na nakaupo si Henry. Iniisip niya kung ano na ang mangyayari sa kanilang dalawa ni Alana. Nalulungkot siya pagkat ayaw na niyang mawala pa sa kanya ito. "Lord, sana hindi nakagkakamali si Alana, sana pinagtaksilan nga siya nito..." Natawa rin siya sa panalangin niya subalit gaya nito naluha rin siya sa takot na baka tuluyan nang mawala ito sa piling niya. Mahal na mahal na niya ito. "Lord, masasaktan ako pag nawala siya. Ibigay mo sa akin ang hiling ko." Ipinikit niya ang kanyang mata, hinayaan niyang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi nila alam pero pareho silang lumuluhang dalawa. At hindi nila alam na pareho rin ang panalangin nila. Na sana ay nagtaksil nga ang bwisit, salot, at panirang si Jonathan. "Lord sana'y nagtataksil nga si Jonathan...." sabay na panalangin ng dalawang pusong nagmamahalan. At sa pagod sa kakaisip at kakaiyak pareho silang naidlip at nakatulog. Ang pogi'y sa ibaba at ang maganda'y sa itaas.

                                                                                Chapter 11

      KINAUMAGAHAN, sabay ring nagising ang dalawang parehong may kakaibang panalangin. Panalanging malamang ay hindi pa nasambit ng sinuman, maging ng isa riyan. Sabay silang bumangon sa kani-kanilang pinagpapahingahan. Tumuloy kaagad siya sa loob ng shower niya sa kanyang kwarto. At ang isa naman ay sa shower sa may baba. Sabay silang naligo, magkahiwalay nga lamang. Sabay rin nilang natapos ang paliligo, nauna nga lang magbihis si Alana dahil kinailangan pang kunin nito ang sariling damit sa loob ng sasakyan nito na nakaparada sa loob ng bakuran niya. Bumaba na agad si Alana. Nakita agad siya nito. Pilit itong ngumiti sa kanya. At pilit rin siyang ngumiti pabalik dito. Pagkatapos ay nagkatinginan sila nang matagal. Ito na ang nagkusang maunang magsalita. "Halika na Alana, puntahan mo si Jonathan. Sasamahan kita..."
      Tumango lang siya. Hindi siya umimik dahil nakikita niya sa mga mata nito ang parehong pagmamahal at pag-alala para kanya, para sa kanilang dalawa. Bahagyang nakayuko siyang nagtuloy sa paglakad palapit sa pintuan niya. Nagbigay daan agad naman ito dahil nakaharang ito sa dinaraanan niya. Nararamdaman niyang tinititigan siya nito. Hindi na siya naglakas loob na tingnan pa itong muli. Pagkarating niya sa may pintuan ay dahan-dahan niya itong binuksan. Narinig niyang bumuntong-hininga ito sa likuran niya. Biglang may luhang nangilid sa mga mata niya. Nasasaktan ito sa pakiwari at iyon ay dahil sa kanya. Dahil sa pagmamahal nito para sa kanya. Pinigil niya ang sariling tuluyang mapaiyak dahil natatakot siyang baka patahanin siya nito... at yakapin sa mga bisit nito. Naglakas loob siyang lumingon dito, nginitian siya nito ng bahagya. Ngumiti rin siya uli pabalik pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng pintuan niya.
      Sumunod naman ito at binuksan ang sasakyan nito. Walang imik nitong binuksan ang isa pang pintuan para makapasok na siya. Hindi na ito naglakas-loob pang hawakan pa ito para alalayan sana. Pagkapasok niya ay marahan nitong isinara ang pintuan pabalik. Lumibot ito sa sasakyan nito at pumasok na sa loob. Habang nakaupo ay napabuntong-hininga ulit ito. Nagsimula na siyang magmaneho, pagmamanehong tila papunta sa isang destinasyong magbibigay sa kanila ng ibayong kalungkutan. Nang nasa kalsada na sila ay nagtanong ito sa kanya. "Saan ba kayo magkikita na dalawa Alana." Hindi ito sumulyap man lang sa kanya.    
      Nakatanaw sa kalsadang sumagot siya. "Doon din sa restaurant na nabanggit ko na sa iyo, kung saan ko siya huling nakita." Bumuntong-hininga ulit ito at nagpatuloy sa kanyang pagmamaneho. Wala ni isa man sa kanilang nangahas na magsalita uli habang patuloy nilang binabaybay ang daan patungo sa kinaroroonan ni Jonathan. Ilang sandali pa ay natanaw na niya ang napag-usapang pagkitaang restaurant. Pinabagal nito ang sasakyan para maigarahi nito ang sasakyan ng maayos sa harapan nito. Bumuntong-hininga ulit ito ng tuluyan na siyang makagarahi. Nakatungo lang ito sa kanyang manebela. Nahihirapan siyang pagmasdan ito sa ganoong ayos, sa ganoong kalungkutan. Muling nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Bigla namang lumingon sa kanya ito at napansin ang mga namumuong luha sa mga mata nito.
       "Alana, huwag na lang tayong tumuloy, mahal kita at nararamdaman ko at nakikita ko sa mga mata mo na mahal mo na rin ako," sabi nito ng marahan na nakatingin sa mga mata niya. "Huwag na nating alamin pa ang katotohanan. Magpakalayo-layo na lang tayo Alana, tayong dalawa lang..."
       Iyon din ang gusto ng puso niya. Subalit kailangan niyang magpakatatag, kailangan niyang gawin kung ano ang sa tingin niya'y tama. Ako ang nagdala ng suliraning ito, kaya dapat ko itong harapin kahit masaktan man ako... at ang minamahal ko...
      "Alana..." muling sambit nito sa kanya.
      "Bababa na ako Henry, dito ka lang,," sabi niya.
      "Sasamahan kita Alana," sagot nito sa kanya na tinitingnan siya sa mata. "Huwag kang mag-alala, lalayo ako nang bahagya kung nag-alala kang makita ka ni Jonathan na kasama ako."
      Sa tinuran nito ay agad na siyang bumaba ng sasakyan. Pagababa niya ay lumingon siya at tinanaw ang loob ng restaurant. Nanlumo siya sa nakita niya. Naroon na si Jonathan at kasama ang kaparehong babaeng nakita niyang yumakap at humalik sa pisngi nito, maging ang matangkad na foreigner ay naroon din. Naramdaman niyang nakatingin rin si Henry sa mga ito. Nagtama ang mga tingin nilang dalawa. Parang alam na nila pareho ang mga susunod pa. Siya na ang kusang nag-iwas ng tingin dito at nagpatuloy na sa paglalakad papasok. Nararamdaman niyang sumusunod ito sa kanya. Hindi pa nakakapasok ay nakita na agad siya ni Jonathan. Kaagad itong ngumiti sa kanya at senenyasang pumasok na sa loob ng retaurant. Kahit gustohin man niya, hindi na siya pwedeng umatras pa. Huminga siya nang malalim pagkatapos ay nagtuloy na sa loob. Agad namang tumayo si Jonathan para salubungin siya.
       "Alana, buti't nakarating ka agad," salubong agad nito sa kanya.
       "H-hi Jonathan," bati niya rito.
       Magiliw na bumati rin agad ito sa kanya habang hinahatak ang isang upuan paatras para makaupo siya nang maayos. Napansin niyang nakangiti sa kanya ang babae at ang katabi nitong foriegner. Ngumiti rin siya sa mga ito.
       "My.... she's lovely Jonathan," puri agad ng babae."It's nice to finally meet you, Alana." sabi nito na hindi na naghintay pang maipakilala sa kanya.
       "Yeah, she's lovely indeed Leslie..." pag-sang-ayon agad ng dayuhan.
       Pagkarinig niya sa pangalang Leslie ay agad siyang nanlumo. Batid na niya ang katotohanan ang babaeng nakita niyang humahalik at yumayakap kay Jonathan ay ang ex-girlfriend nga nito. Ang babaeng nabanggit nitong umuwi sa Pilipinas para dito magpakasal sa kanyang kasintahang dayuhan. Napapikit siya ng mariin, hindi pinagbiyan ng Diyos ang kanyang taimtim at paulit-ulit na panalangin... ang palangin niyang pagtataksil ni Jonathan... Hindi ako pinagtaksilan ni Jonathan... nagkamali ako... nagkamali ako ng akala..... isang simpling beso lang pala ang nakita ko... Nahirapan siyang huminga. Naramdaman niyang nagbabadyang tumulo ang kanyang mga luha. Kaya agad niyang tinatagan ang loob niya sa takot niyang mapansin siya ng mga kasama niya sa mesa. Pinilit niyang ngumiti sa dalawa pero nahihirapan siya.
        "Alana, ano pang hinihintay mo, umupo ka na," natatawang sabi ni Jonathan sa kanya dahil napansin nitong nakatulalang nakatingin siya sa dalawa. Inayos niya ang sarili at umupo na sa tabi ni Jonathan kaharap ang dalawa.
       Agad nitong ipinakilala kay Alana ang mga kasama. "Alana, this is Leslie at ang mapapangasawa niyang French na si Voltaire."
       "Hello..." simpling bati niya sa mga ito.
       "Jonathan ha, hindi mo naman sinabing ganito kaganda ang girlfriend mong ito," puri muli nito sa kanya. "Sana nakapagpaganda pa ako lalo,  para may laban naman ako kahit papa'no," biro nito habang nakatingin sa kanya.
       "Sobra ka naman..." nasabi lang niya at nakuha nang ngumiti ng bahagya. Pero bigla rin niyang binawi ang ngiti nang makitang umupo si Henry sa katapat na misa sa mismong harapan niya. Tiningnan  siya nito. Batid na rin niya ang ang katotohahan, tahimik na napagtanto niya. Nakatingin sa kanya ang malungkot nitong mga mata. Kalungkutang siya ang may dulot. Kalungkutang dulot ng pagkakamali niya. Ako ang may kasalanan ng lahat ng kaguluhan at kalituhang  ito.... Patawarin mo ako Henry.... patawarin mo ako, tahimik niyang nasambit mula sa kinauupuan niya. Muling nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Umiwas agad siya ng tingin dito at huminga ng malalim upang mapigilan ang sariling tuluyan nang mapaluha. Pinilit niya ang sariling makinig sa usapan ng tatlo. Ngumiti siya ng ngumiti sa mga ito. Kinausap siya ni Leslie at sinagot naman agad niya ito. Inabala niya ang sarili sa pakikipag-usap sa kanila para maiwasan niya ang mga tingin sa kanya ni Henry.
        MAWAWALA ka na bang tuluyan sa akin Alana, tahimik na tanong ng puso niya. Hindi rin pinagbigyan ng Maykapal ang kahilingan at panalangin niya.... Hindi nagtaksil si Jonathan, nagkamali si Alana tahimik na napagtanto niya habang pinagmamasdan niya ang mahinahong pag-uusap ng mga ito sa kabilang misa sa harap niya. Kung nagtaksil lang sana ito, sila sana ngayon ni Alana ang magkatabi. Parang gusto niyang lumapit sa mga ito at magpakilala. Pero batid niyang mahihirapan lang si Alana pag ginawa niya iyon. Hindi niya mapigilang makaramdam galit kahit batid niyang wala siyang karapatan. Silang dalawa ang tunay na magkarelasyon at hindi sila. Kung sana'y nauna niyang makilala ito, baka sila na ngayon ang magkasintahan. Subalit kahit anong gawin niya, hindi na niya mababago ang katotohanang may nagmamay-ari na sa babaeng minamahal niya. Napabuntong-hininga siya. Nasasaktan siyang panoorin si Alanang katabi ito. Napapansin niyang nababagabag ito sa mga tingin niya, kaya minabuti niyang umiwas na muna ng tingin dito. Pero kahit anong iwas niya sa tuwing naririnig niya itong magsalita at tumawa ay napapatingin siya rito. Napakaganda mo talaga mahal ko.... sayang at hindi ako ang katabi mo ngayon.... sayang.... sayang.... Ilang sandali pa'y napansin niyang tumayo na ang dayuhang French at ang kasama nitong babae. Tumayo rin sina Jonathan at Alana. Narinig niyang nagpapaalam na ang dalawa kina Alana at Jonathan. Sumunod agad siya ng dahan-dahang nagtungo ang mga  ito sa may pintuan. Natatakot siyang baka isama ni Jonathan si Alana. Pagkadaan ng mga ito sa may pintuan ay agad din siyang dumaan dito. Nasa labas na ang apat. Nasa labas na rin siya. Pilit iyang hinuhuli ang tingin ni Alana. Hindi niya inihiwalay ang tingin niya kay Alana. Hinintay niya nang hinintay na magtama ang kanilang mga tingin. At makalipas ang ilang sandaling kwentuhan ng apat ay nagtama na nga ang pangin nila na dalawa. Pilit niyang pinaramdam dito na gusto niya itong makausap at makasama pa. Naramdaman niya ang tahimik na pagtanggi nito sa gusto niya. Pero sa mga titig at tingin niya rito'y nagpumilit at nagsumamo siya. Nakaalis na ng taxing sinakyan ng dayuhang French at ang mapapangasawa nito. Naiwan naman sa kalsada sina Alana at Jonathan.
       NAPANSIN ni Alana ang akmang paglapit sa kanilang dalawa ni Henry. Kinabahan siya ng todo. Natakot siya na baka magkagulo kung tuluyan itong makalapit sa kanila at magpapakilala rito. Senenyasan niya itong tumigil habang hindi nakatingin si Jonathan subalit hindi ito nagpapigil at tumuloy papalapit. Agad siyang nag-isip kung ano ang gagawin niya para maiwasan ang nagbabadyang kaguluhan sa dalawa. Humarap agad siya kay Jonathan. "Jonathan, hindi na muna kita sasamahan sa bahay mo, may aasikasuhin muna akong isang importanting bagay."
      "Sigurado ka, kung samahan na lang kaya kita," alok pa nito sa kanya.
      "Huwag na kaya ko na 'tong mag-isa. Umuwi ka na muna at magkita na lang uli tayo sa susunod," pigil nito habang paminsan-minsang sumusulya kay Henry.
      "O sigi ikaw ang bahala, magkita na lang uli tayo. Baka tawagan kita mamayang gabi," sabi ito at nagpaalam. Sumakay naman agad ito sa nakaparadang kotse nito malapit sa sinakyan nila ni Henry. Napahinga siya ng malalim ng tuluyan nang makaalis ito. Tahimik siyang nagpasalamat at naiwasan niyang magkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng dalawang lalaki. Naramdaman niyang nasa likuran niya nakatayo si Henry. Huminga muna siya nang malalim. Dahan-dahan siyang tumalikod at hinarap ito. Tiningnan agad siya nito. Nagsusumamo ang mga mata nito sa kanya.
       "Maari ba tayong mag-usap na dalawa Alana?" tanong agad nito sa kanya.

                                                                                         Chapter 12

      HINDI makasagot si Alana. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Ibinubulong ng puso niya na kausapin at pagbigyan ang kahilingan nito sa kanya. Subalit ang katotohanang mayroon siyang kasintahan ay hindi na mababago pa. Batid niyang lalo lang siyang masasaktan kapag pinagbigyan niya ito at kausapin. AT batid din niyang masasaktan lang din ito gayong wala na namang patutunguhan ang lahat. Nagkamali siya. Walang kasalanan sa kanya si Jonathan. Naging napakamaginoo at napakabuti nito sa kanya at pinagbintangan niya ito ng kasalanang hindi naman pala nito ginawa. Nakatingin pa rin ito sa mga mata niya. Waring naghihintay ng kasagutan niya sa hiling nito. Tinatagan niya ang sarili niya, kailangan niyang tibayan ang kanyang loob. Kinakailangan niyang tanggihan ang binubulong ng kanyang puso. Muli siyang huminga nang malalim para masabi na niya ang kailangan niyang sabihin dito ng biglang...
       "Kuya...! Kuya ...!" malakas na pagtawag at sigaw ng isang bata. Magkasabay silang napalingon sa pinanggagalingan ng pagtawag. Si Miggy, humahangos itong tumatakbo papalapit sa kanilang dalawa sa may kalsada sa labas ng restaurant. Sa likuran nito'y ang ina nitong mabilis na naglalakad at humahabol rito. "Kuya Henry...! Ate Alana...!" muli nitong sigaw.
       Nagkatinginang muli ang dalawa. Ilang sandali pa'y tuluyan nang nakalapit sa kanilang dalawa ang bata. Masayang-masaya itong nakatingala at halinhinang pinagmamasdan sila. Malapad na malapad ang ngiti nito kahit na hinahabol nito ang paghinga sa mabilis nitong pagtakbo papalapit sa kanila.
       "Miggy," bati agad ni Henry rito. Natawa siya ng bahagya sa habang pinapahid nito ang pawis ang sariling pawis dahil sa mabilis nitong pagtakbo.
       "Kuya Henry, Ate Alana, mabuti nakita ko kayong dalawa," sabi lang nito na dahan-dahan nang nawawala ang paghingal. Tuluyan na ring nakalapit ang ina nito sa kanilang tatlo.
       "Ikaw talaga na bata ka, basta ka na lang tumatakbo," medyo humihingal na saway nito rito. "Pasensya na po senyorito kung naabala kayo nitong anak kong si Miggy."
       "Okey lang iyon, masaya nga akong makita ito rito eh," nakangiting sagot nito. "Sandali ano bang ginagawa niyo ritong dalawa ha?"
       "Kwan po senyorito, maggro-grocery po sana kami para sa bahay," sagot nito.
       "Opo kuya, kaya lang nakita ko kayo ni Ate Alana kaya tinawag ko agad kayo," pangiti-ngiting pagtatapat nito.
       "Pasensya na talaga senyorito, halika na Miggy at nang makapag-grocery na tayo," utos nito sa anak na kaagad na hinawakan sa kamay ang anak.
       "Kuya Henry, di ba sabi mo dati ipapasyal mo ako kahapon," sabi nito habang nakatingala at tinitingnan ang mukha nito.
       "Oo nga ano, nakalimutan ko, masyado kasi akong masaya kahapon kasi pumayag itong si Ate Alana mo na sumama sa akin sa bahay kaya nakalimutan ko," paliwanag naman niya sa bata. Sumulyap ito sandali sa kanya at ngumiti nang bahagya. Nagkatinginan silang muli.
       "Ano bang ginagawa niyong dalawa rito ni Ate Alana ha?" tanong nito kay Henry.
       "Ha... kwan namamasyal," biglang nasabi na lang nito.
       Nangiti naman agad ang bata at mabilis na kinalas ang kamay ng ina sa pagkakahawak nito rito.. Lumapit pa ito sa kanilang dalawa at sabay na hinawakan ang mga palad niya at ni Henry. "Ngayon mo na lang ako ipasyal kuya, sama niyo na lang ako ni Ate Alana," yaya agad nito habang halinhinang nakatingin sa kanilang dalawa sa gitna nila.
       Hindi maitago ni Henry ang tuwa sa sinabi nito. "Oo nga naman ano, oo tama sumama ka na lang sa amin ni Ate Alana mong mamasyal." Sumulyap pa ito nang bahagya sa kanya para tingnan kung ano ang reaksyon nito sa pagyayaya ng bata.
       "Miggy, huwag kang mang-istorbo nakakahiya naman kay Alana," paumanhin agad ng nanay nito na medyo nahihiya na sa kanya.
       "Ha hindi ho bakit naman po siya makakaistorbo sa amin ni Henry," nasabi na lang niya na ngumiti nang bahagya sa mayordoma.
       Natuwa naman agad ang bata sa narinig mula sa kanya. "Ganoon naman pala eh, sigi tayo na Kuya Henry, pasyal n'yo na ako," sabi nito na kaagad na magkasabay na hinatak ang mga kamay nilang dalawa pasunod sa kanya habang naglalakad ito.
       Nagkatinginan sina Henry at Alana. Nagkibit-balikat lang ito at ngitian siya. "Kami na po muna ang bahala kay Miggy, manang."
       "Sigurado po kayo senyorito?" tanong nito.
       "Siguradong-sigurado," mabilis na sagot nito at muling nginitian siya.
       Umalis naman agad ito para makapag-grocery na. Hindi na siya nakaimik. Sumulyap siyang muli kay Henry habang naglalakad. Napansin niyang masaya na uli ito. Hindi pa rin siya umiimik pero kahit hindi niya aminin ay sumaya rin siya na makitang nakatawa na uli ito.
       "Saan ba tayo pupunta Kuya Henry ha?" tanong agad nito.
       "Ha, eywan ko sa iyo, ikaw naman itong nauuna maglakad eh, nakasunod lang naman kami sa iyo," pabirong sagot nito rito.
       "Punta na lang tayo ng park, parang gusto ko kasing maglaro ng swing o kaya padausdusan," sagot naman agad nito. "Ikaw Ate Alana, mahilig ka rin bang magpunta sa park ha?"
        Nakangiting huminga muna siya nang malalim bago sumagot. "Oo mahilig rin akong magpunta sa park, lalo na ng kasing edad mo pa ako." Napansin niyang nakatinging muli sa kanya si Henry. Nginitian niya na rin ito.
        "Mabuti naman pala at gusto mo rin ang pupuntahan natin," natutuwang sagot ng bata. Nagpatuloy sila sa paglalakad at ilang sandali ay narating na nila ang park na gustong puntahan nito. Mabilis naman itong tumakbo papalapit sa isang swing. Humawak agad ito sa magkabilang lubid at umupo. "Kuya tulak niyo naman ako."
        "O sigi ba," sagot naman nito at agad itong itinulak ng marahan.
        Natuwa naman agad ito. "Lakasan mo pa kuya ang pagtulak mo sa akin. Huwag kang mag-alala hindi ako mahuhulog rito."
        Kaya linakasan naman nito ang pagtulak. Tuwang-tuwa ang bata habang mabilis na nagpabalik-balik ang swing. Habang patuloy na naglalaro ang bata ay naglakas loob na ito na muli siyang kausapin. Lumapit ito at humarap sa kanya. "Hindi naman siguro masamang mag-usap tayo habang pinapasyal natin si Miggy..."
        Huminga siya ng bahagya. "Oo hindi naman siguro," atubiling sagot niya na nakatingala rito sa harapan niya.
        Hahawakan nito sana siya para alalayan papunta sa may upuan pero pinigil nito ang sarili. Naunang nagpunta ito sa isang bench. Umupo agad ito at pinagmasdan siya habang papalapit. Tahimik na umupo siya sa tabi nito. Medyo nahihirapan siya sa sitwasyon nilang dalawa. Napansin nitong nahihirapan siya sa muli nilang pagsasamang dalawa. Kaya huminga ito nang malalim at muling nagsalita. "Ikaw naman Alana, may boyfriend ka pala eh," umpisa nito na sumulyap ng bahagya sa kanya mula sa kanyang kinauupuan.
       "Oo nga eh, mayroon pa pala, nagkamali ako," sagot naman nito na pumilit ngumiti.
       "Oo nga sayang talaga..." nasabi na lang nito.
       "Patawarin mo ako Henry, nadamay ka pa sa mali kong akala, sa pagkakamali ko," paumanhin niya na nakatingin sa batang patuloy at tuwang-tuwa habang nagswi-swing.
       "Hindi mo kailangang humingi ng tawad Alana, kahit papano dahil sa pagkakamali mo ay nagkaroon ako ng pagkakataong makasama ka," seryosong sagot nito.
       "Hindi ka nagagalit sa akin Henry..." tanong muli niya.
       "Hindi, nalulungkot lang nang bahagya, kasi hindi ka na mapupunta sa akin," panghihinayang nito. "Ikaw ano bang nararamdaman mo, siguro nalulungkot ka rin ano," alanging biro nito sa kanya.
      "Ikaw talaga, alam mo naman ang sagot riyan," pabiro naman niyang sagot.
      "Kung agawin na lang kaya kita sa kanya. Hihingi na lang agad ako ng tawad sa Diyos tutal hindi ko na naman uulitin pagkatapos," biro muli nito.
      "Ikaw talaga. Dinadaan mo na naman ako sa biro," simpling sagot niya.
      "Mabuti pa iyang si Miggy o, tingnan mo ngiti lang nang ngiti tawa lang nang tawa," nasabi na lang nito. "Ang saya-saya natin noong isang araw tapos ganito na tayo ngayon."
      Hindi siya umimik nang mapansing muli ang kalungkutan sa mga mata nito.
      Pumikit ito ng mariin. "Ang hirap-hirap ang lapit mo sa akin pero hindi man lang kita mahawakan Alana..."
      Muling nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Napansin nito ang mga luhang namuo sa mga mata niya. Napagtanto nito na pareho ang nararamdaman nilang dalawa sa mga sandaling iyon, hindi man nito aminin. Nangilid din ang mga luha nito. "Mahal na mahal kita Alana... Mahal mo rin ba ako ha?" mahinang tanong niya rito.
     Hindi siya umimik. Yumuko siya nang bahagya nang tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya sa mga mata. Pakiramdam niya' y gustong sumabog ng puso niya. Gusto niyang ipagtapat rito na mahal niya na rin ito. Subalit alam niyang hindi ito tama. Hinayaan na lang niyang malaman ni Henry ang kasagutan sa pamamagitan ng mga luha niya.
      "Mahal mo rin ako Alana, nararamdaman kong mahal mo rin ako," nasambit nito matapos alisin ang paningin sa kanya. "Ayaw mo lang makasakit ng ibang tao kaya hindi mo maamin sa akin."
      Pinahid niya ang kanyang mga luha at pilit na kinalma ang sarili. "Ayokong sinasaktan ako, pero ayaw ko ring manakit ng kapwa. Wala siyang kasalanan sa akin, kaya wala akong karapatang saktan siya.
      Pero ako naman ngayon ang nasasaktan Alana, tayong dalawa.... tahimik na sagot niya. Muling nangilid ang mga luha sa mata nito. Nagbuga na lang ito ng hangin at umusal. "Aaaah.... bakit ba nangyari sa ating dalawa ito. Kung bakit naman kasi hindi pa nagtaksil ang mokong na iyon."
      Natawa nang bahagya si Alana sa narinig. Pero agad ring nalungkot muli pagkatapos. Bumuntong-hininga siya at muling pinagmasdan ito. Mahal na mahal din kita Henry, kaya lang mali, hindi dapat,  tahimik na sagot niya. Naramdaman niyang bumuga ito ng hangin. Pagkatapos ay tumayo ito at nilapitan ang naglalarong bata. Nakipagkulitan agad ito sa bata. Napansin niyang gustong-gusto ito ng bata. Totoong kuya na ang tingin nito rito at ito'y ganoon rin dito. Nakikita niyang nakangiti at nakatawa si Henry pero batid niyang tulad niya nahihirapan at nalulungkot pa rin ito. Ilang sandali lang ay tinawag siya ng mga ito para sumali sa
kanila. Pumayag naman siya at nagpasalamat na rin siya dahil kahit papano'y naibsan ang kalungkutang nararamdaman niya sa mga tawa at halakhak ng bata. Pagkatapos ay nagpabili rin ito ng ice cream kay Henry. Pinagbigyan naman niya ito. Sabay-sabay silang kumain nito sa gitna ng kulitan at kunting kwentuhan. Masayang-masaya ang bata kasama nila. Ilang sandali pa'y may hiniling ito  sa kanya. Habang nakaupo silang magkakatabi ay tumingala ito sa kanya mula sa gitna nilang dalawa. "Ate Alana punta naman tayo sa inyo para makita ko ang bahay mo," pagyaya nito sa kanya. Tatanggi sana siya, pero bigla na lang itong tumakbo papunta sa nakaparadang sasakyan nito. "Halina kayo kuya Henry!" yaya muli nito ng makalapit sa sasakyan nito. Nagkatinginan muli ang dalawa.  
      Nagkabit-balikat lang ito na nakangiti nang bahagya. "Halika na Alana..." sabi nito at agad na tumayo papalapit sa sasakyan nito. Wala na siyang nagawa kundi sumunod na lang sa dalawa. Agad na nakasakay ang tatlo. Nagmanehong muli ito. Sa likuran siya naupo at ang bata sa tabi nito sa front seat. Panay pa rin ang kulitan ng dalawa at paminsan-minsa'y kinukulit rin siya nito. Pagkatapos ng ilang sandali'y nakarating na agad sila sa bahay niya. Mabilis na bumaba ang bata at pumasok papaloob ng gate. Tumigil ito sa tapat ng pintuan ng bahay niya.
       Nang makalapit na silang dalawa ay muli itong nagyaya. "Pasok na tayo sa loob ng bahay mo Ate Alana." Binuksan naman agad niya ang pintuan at naunang pumasok ang bata. Agad itong tumayo sa gitna ng sala at pinagmasdan ang buong kabahayan. "Maganda rin pala ang bahay mo Ate Alana."
      "Oo Miggy maganda talaga ang bahay ni Ate Alana mo parehas ng nakatira," nakangiting hirit nito. Ngumiti lang din siya sa dalawa. Binuksan agad ng bata ang malaking TV niya at niyaya silang manood na dalawa. Nasa gitna nila ang bata sa kanyang sofa. Tawa ng tawa ito sa pinapanood nila. Nakitawa rin silang dalawa rito. Buong-buo ang kasiyahan nito kasama silang dalawa. Ilang sandali pa'y nakatulog na ito marahil ay sa pagod na rin sa mahabang paglalaro sa park. Nagkatinginang muli ang dalawa. Tumayo sandali ito at lumayo ng bahagya. Tinawagan nito ang kanilang family driver. Pagkatapos ay muling lumapit sa kanya. Tahimik na muling ipinagpatuloy ng dalawa ang panonood ng palabas sa TV niya. Waring nagpapakiramdaman sila kung ano ang iniisip at nararamdaman ng bawat isa sa kanila. Pagkarating ng driver ay agad itong pumasok sa loob ng bahay at binuhat ang natutulog na bata. Sumama si Henry ng tuluyan ng inilabas ng driver ang natutulog na bata papunta sa sakyang dinala nito. Pagkaalis ng driver nito ay muli itong pumasok sa loob ng bahay niya. Nakita agad niya ito mula sa kanyang kinauupuan. Tahimik na muli itong umopo sa tabi niya sa may sofa.
        Sumulyap muli siya rito sa tabi niya sa ibaba ng bahay niya. "Henry hindi ka pa ba uuwi ha?" marahang tanong niya.
        Hindi tumitinging sumagot ito sa kanya. "Hindi."
        "Pero Henry... alam mo naman ang sitwasyon natin ngayon, di ba. Naiintindihan mo naman ako hindi ba..." sambit niya rito. "Mali na magkasama pa tayo... alam mo iyan."
        "Pagbigyan mo ako Alana, hayaan mo na muna akong makasama ka pa sa gabing ito," marahang pahayag nito.
        Gustong-gusto niyang pumayag sa kahilingan nito dahil gusto rin naman niya itong makasama pa. Mahal na mahal na niya ito at ayaw rin niyang mawalay sa tabi nit. Subalit kailangan niyang magpakatatag, kailangan niyang gawin kung ano ang nararapat. Huminga siya ng malalim at tinatagan ang loob. Tumayo siya at tumalikod rito. Kailangan niyang tumalikod rito para masabi niya ang kinakailangan niyang sabihin rito.niya ito.
"Umuwi ka na Henry," pagmamatigas niya.
        Hindi ito sumagot. Nanahimik lang ito. Bumuga ito ng hangin at pagkatapos ay muling nagsalita. Tumungo ito nang bahagya sa kanyang kinauupuan at muling nagsalita. "Huling gabi na natin itong magkakasama Alana. Bukas ay pupunta na ako ng America... doon na ako maninirahan Alana." Tumayo ito at nilapitan siya. Hinawakan niya ito sa kamay. "Hayaan mo na muna ako rito Alana."
        Hindi niya malaman ang gagawin niya. Kailangan niya itong pauwiin dahil hindi tamang manatili pa ito sa bahay niya. Subalit iba ang isinisigaw ng puso niya. Iiwanan na siya ni Henry. Pakiramdam niya'y para siyang mabubuwal sa kinatatayuan niya. Sinikap niya muling magpakatatag at muling tanggihan ito. Subalit kahit anong pilit niya ay walang katagang lumabas sa bibig niya. Bagkos ay pumatak ang mga luha niya. Bumilis ang pagpatak ng mga ito. Hindi na niya matagalan ang nararamdaman niya. Naramdaman na lang niyang tumatakbo siya paakyat ng hagdanan niya. Pagkasara niya ng pintuan ng kwarto niya ay agad niyang natutop ang bibig niya sa kanyang paghikbi. Hindi na niya na napigilan pa ang sarili nya. Umupo siya sa gilid ng kanyang kama. Tuluyan na siyang tumangis at lumuha. Hindi na niya makikita pa si Henry. Parang pinupunit ang puso niya. Lalo pang bumilis ang pagpatak ng kanyang mga luha. Aaaah... tahimik niyang sigaw. Bakit pa kita nakilala kong mawawala ka rin lang pala. Mahal na mahal kita Henry... mahal na mahal. Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata. Subalit sa pagpikit niya ay parang nakikita pa rin niya ito, nagpapaalam sa kanya... Henry... Henry... patuloy na pagtangis niya. Nahihirapan na siyang huminga. Unti-unti na siyang naghihina sa malabis na pagtangis niya. Napahiga siya sa kanyang kama. Tuluyan na siyang bumigay, pakiramdam niya'y matatapos na rin ang buhay niya sa sandaling tuluyan nang mawala sa kanya ito. Napakatagal ng pag-iyak niya. Ngayon lang niya naramdaman ang ganoong uri ng pait at pasakit. Parang balong patuloy na umagos ang mga luha niya. Nakatulog siya sa malabis na pagod at pag-iyak. Hindi niya alam kong ilang oras siyang nakatulog. Nagising siya at naramdamang may kasama siya sa kanyang kwarto. Nakita niya itong nakaupo sa pang-isahang sofa niya at pinagmamasdan siyang nakahiga. Nagkatinginan ang mga mata nila. Parang gusto niyang tumayo at yakapin ito at sabihin kung gaano niya ito kamahal. Na ikamamatay niya ang mawalay ito sa piling niya. Subalit alam niyang mali iyon. Isa iyong kasalanan. May kasintahan siya. Kaya muli niyang ipinikit ang mga mata at hinayaan na lang ito. Natakot siyang paalisin pa ito dahil baka pag muli siyang hinawakan nito ay tuluyan na siyang bumigay at hilingin na huwag na siyang iwan at manatili na lang sa tabi niya, sa buhay niya.
        NASASAKTAN siyang panoorin ang minamaahal niya. Nararamdaman niya ang malabis na kalungkutan nito dahil sa napipintong paghihiwalay nilang dalawa. Patuloy lang niya itong pinagmamasdan mula sa kinauupuan niya. Gusto niya itong lapitan at yakapin ito pero wala siyang karapatang gawin iyon sapagkat pagmamay-ari na ito ng iba. Masakit sa akin na iwanan ka Alana, pero batid kong iyon ang sa iyo'y tama. Bakit ba kailangang maging ganito kasakit at kahapdi ang tama... Tuluyan na siyang napaluha. Nag-unahang magbagsakan ang mga luha sa kanyang mga mata. Tahimik siyang tumatangis pero ang puso niya'y sumisigaw sa malabis na kalungkutang bumabalot sa kanyang buong pagkatao. Bumibilis ang paghinga niya habang patuloy siyang lumuluha at pinagmamasdan ang babaeng pinaka-iibig niya. Kahapon lang pakiramdam niya'y abot kamay na niya ang pangako ng isang-libo't isang kaligayahan kasama ito, subalit tila isa na itong panaginip ngayon na pagkagising niya'y tuluyan na ring maglalaho. Mahal na mahal kita Alana... mahal na mahal. Kung sana'y nagkita tayo noong malaya ka pa sana'y malaya tayo ngayong mahalin ang isa't isa. Subalit kahit na anong panghihinayang niya, wala na siyang magagawa kundi harapin ang katotohanan, ang katotohanang kailangan na nilang magkahiwalay na dalawa. Huminga siya ng malalim at tinatagan niyang muli ang loob niya. Subalit kahit anong pilit niya pakiramdam niya'y lalo lang siyang nanghihina. Mabilis na pumapatak ang mga oras at ilang sandali na lang ay kinakailangan na niyang tuluyang magpaalam rito. Alana... Alana... Alana... tahimik at paulit ulit na nasambit niya. Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog sa malabis na pagod at kalungkutan.    

                                                                                               Chapter 13

      PAGKAGISING niya'y wala na si Alana sa kama niya. Agad niyang narinig na may nagluluto sa ibaba. Nangiti siya. Ipinagluluto mo ba ako mahal ko. Gusto mo bang baunin ko ang alaala ng pag-aalaga at pag-aasikaso mo sa akin. Bumuga siya ng hangin at dahan-dahang tumayo mula sa pang-isahang sofang nakatulugan na niya. Inayos niya sandali ang kanyang buhok bago tuluyang lumabas at bumaba para makita ito. Pagkababa niya ay agad siyang nagtungo sa may kusina nito. Nakita agad niya itong abalang naglalagay ng mga pagkain sa may mesa. Nginitian niya agad ito at binati. "Good morning Alana. Gusto mo yata akong busugin muna bago ako tuluyang malungkot sa paghihiwalay natin," biro niya rito.
      "Sigi na maupo ka na nang makakain ka na Henry," magiliw nitong sagot sa kanya. Nakuha rin nitong ngumiti sa kanya.
      Agad namang naupo ni Henry sa harap niya. "Tiyak ko, mami-miss mo ako ng todo pag nagkahiwalay na tayo."
      "Malamang..." sabi lang niya. "Pero sa tingin ko mas mami-miss mo ako."
      "Panigurado iyan Alana, alam na alam mo namang love na love kita eh," simpling sagot niya.
      "Alam ko namang love na love mo ako eh, palagi mo kayang pinaparamdam sa akin iyon," simpling sagot din nito.
      "At gustong-gusto mo naman..." biro muli niya.
      "Gusto din, ang kaso baka pagalitan ako ng boyfriend, kawawa naman ako," birong sagot nito.
      "Subukan lang niyang kagalitan ka sa harapan ko, malalagot sa akin iyon," biro din niya. "Mas malaki kaya ako roon."
      "Oo nga ano, pansin ko nga..." pag-sang ayon nito.
      "Sigi na nga kumain na tayo Alana, samahan mo ako mamaya pagpunta ko sa airport. Ihatid mo ako. Huwag kang masyadong iiyak ha baka sabihin ng mga tao pinagtataksilan kita," biro muli nito.
      "Sigi susubukan ko, pero ikaw din, dapat ganoon ka din, magpakatatag ka ha. Kaya mo iyan, 'di ba sabi mo ang laki-laki mong tao," biro din nito.
      "Kumain na tayo at nang magkaalaman na kung sino ang mas malulungkot sa ating dalawa sa ating paghiwalay," biro muli niya na ngumisi nang bahagya.
      Kumain naman agad ang dalawa. Ngitian lang sila ang ngitian habang kumakain. At ilang sandali pa ay natapos na nila ang pagkain. Ininom muna niya ang kapeng hinanda nito para sa kanya pagkatapos ay dahan-dahan nang tumayo. Dumating naman agad muli ang driver niya, inilagay nito ang mga bagaheng dadalhin niya sa loob ng baggage compartment ng sasakyan niya. Matapos niya itong pagibilinan na kunin na lang ang sasakyan niya sa may airport ay umalis naman agad ito. Kumuha lang siya ng damit at agad na nagtungo sa shower sa ibaba para maligo. Si Alana ay umakyat naman sa kwarto niya para maligo doon. Sabay muli silang naligo, sa magkahiwalay na shower uli. Sabay halos silang natapos. Sabay din halos silang nakapagbihis. Pagkababa nito ay nakita nitong naghinihintay na siya.
      "Ang ganda mo talaga mahal, sayang nga lang at kailangan na kaitang iwan," bati at puri niya rito.
      "Dapat lang, gusto ko kasi maalala mo ako palagi kahit nasaaan ka man sa America, ang gaganda kaya ng mga babae roon," sagot at kunting pasaring niya.
      "Pero para sa akin, ikaw pa rin ang pinakamaganda Alana," sagot nito. "Saka ikaw lang naman talaga ang mahal ko eh."
      "Baka nga ilang araw lang ay makalimutan mo na ako kaagad eh,' sabi nito.
      "Imposibling mangyari iyan Alana, habang buhay kitang mamahalin, kawawa ang susunod na magkakagusto sa akin, dahil kahit anong gawin ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko," pangiti-ngiting pagtatapat niya.
      Hindi na ito umimik pa, Nagkasya na lang itong ngitian siya at iparamdam kahit papano na mahal nito siya.
      "Halika na Alana, pupunta na tayo sa bwisit na airport na iyan," hirit uli niya.
      "Oo nga punta na tayo sa bwisit na airport na iyan," nakatawang pagsang-ayon nito. Natawa siya nang bahagya sa pagsang-ayon nito.
      Ipinagbukas agad niya ng pinto ito. "Pasok na mahal, diyan ka maupo para tabi uli tayo."
      Pagkapasok niya ay agad naman siyang nagmaneho. Pasipol sipol pa siya habang ginagawa ito. Panay din ang sulyap niya rito. "Wala ito na talaga Alana,magkakahiwalay na talaga tayo, bwisit talaga," biro uli niya.
      "Oo nga bwisit talaga," nakangiting pag-sang-ayon nito.
      "Haaaay....." nasambit na lang niya habang bumubuga ng hangin.
      "Haaaay....." pabirong nasambit din nito.
       Umiling-iling siya at umiling-iling din ito. Pinagbuti na lang muli niya ang pagmamaneho. Pamane-maneho, pasulya-sulyap at pangiti-ngiti. Pagkatapos ng mga 30 minuto ay narating na nilang dalawa ang airport. Hindi na nito hinintay na alalayan pa niya. Kusa na itong nagbukas ng pinto at bumaba. Nangiti siya sa inasal nito. Kaya bumaba na rin siya pagkatapos ay kinuha ang maleta niya sa baggage compartment. Nagngitian lang sila sandali at pagkatapos ay magkatabing naglakad papasok ng gusali. Naupo muna sila sa waiting area. Wala ni isa mang nagsalita sa kanila. Napabuntong-hininga ang dalawa. Dahan-dahan nang lumalabas ang mga totoo nilang nararamdaman. Paglingon niya rito, nakita niyang may mga luha na sa mga mata nito. Inalo niya agad ito. "Okey lang iyan, mami-miss din naman kita eh. Malamang ng mga tatlong beses pa kaysa sa mararamdaman mo."
       Pinilit naman nitong muling ngumiti pero nahihirapan talaga ito. Nahihirapan siyang iwan ito pero kailangan niyang gawin para rito. Gusto niyang yakapin ito bago siya tuluyang umalis pero batid niyang hindi siya hahayaan nito dahil binibigyang halaga nito ang pagkakaroon nito ng kasintahan sa mga panahong iyon. "Mahal na mahal kita Alana, sayang at hindi napagbigyan ng kapalaran ang kagustuhan kong maging akin ka na lang." Tiningnan lang siya nito na tila nagsasabing ganoon din ang nararamdaman nito para sa kanya. Napabuntong-hininga uli siya. "Napag-isip-isip ko mali na agawin kita sa kanya. Pero tama rin ba na hayaan na lang kita sa tabi niya gayong alam ko namang hindi ka liligaya sa piling niya."  Hindi umimik ito bagkos ay sinulyapan lang siya nang malungkot nitong mga mata. "Sa palagay ko'y anumang sandali'y tatawagin na ang flight ko Alana." Yumuko lang ito na parang itinatago ang mga matang muli na mang may mga luhang namumuo. At tinawag na nga ang flight niya. Subalit bahagyang natawa siya ng marinig ito. Napag-alaman nilang made-delay ang flight niya ng mga isang oras pa dahil sa isang aberya sa paliparan. Biniro niya agad ito. "Ayaw pa talaga akong paalisin sa tabi mo ng kapalaran Alana, hindi kaya dahil hindi pa rin kita nayayakap." Ngumiti lang ito sa kanya ng bahagya. Gumaan kahit papaano ang nararamdaman niya sa ngiti nito sa kanya kaya muli na naman itong biniro. Ngumisi siya nang bahagya at pabirong umakmang yayakapin na ito sa harap ng maraming mga tao. Bigla namang nag-ring ang cellphone nito. At nang sinagot nito ay napag-alamang si Mariel ang tumatawag dito. Napahalakhak siya nang bahagya. "Ito talagang kaibigan mo oo, kung kailan kita yayakapin ay saka tumatawag.
       "Ssssshh..." saway nito sa kanya habang kinakausap ang kaibigan nito sa cellphone. Makaraan ang ilang sandali'y ibinaba na nito ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ito at tinanong. "Ano bang kailangan niyang kaibigang mong iyan ha?"
       "Naguguluhan nga ako eh, ang sabi puntahan ko raw siya at may kinakailangan daw siyang ipaalam sa akin, mahalagang-mahalaga raw at puntahan ko na siya kaagad ngayon mismo," sagot nito sa kanya. Tinanong niya ito kung saan nito gustong makipagkita at nang sinagot nito ay agad siyang nag-alok.
       "Malapit lang naman iyan eh, mga sampung minuto na pagmamaneho. Hatid na lang kita tutal mga isang oras pa naman bago kami papapasukin sa loob ng eroplano," sabi niya. "Saka, kung mahalaga ito para sa iyo gaya nang sabi niya, marahil ay mahalaga rin ito para sa akin." Pumayag naman ito kaya nagmadali silang lumabas ng gusali at tinungo ang nakaparada pa niyang sasakyan, mabuti na lang at hindi pa rin pala ito nakukuha ng pinagbilinan niyang driver nila.
       
                                                                                             Chapter 14   
      
       HABANG patuloy siyang nagmamaneho ay hindi nito maiwasang pagmasdang mabuti ang mukha nito. Gusto niyang sulitin kahit papano ang mga nalalabing sandali ng kanilang pagsasamang dalawa. Dahil batid niyang malapit na silang tuluyang magkahiwalay. Nasasaktan siya pag naiisip niya ito pero pilit niya itong linalabanan. Nararamdaman nito ang madalas na pagsulyap-sulyap niya rito kaya pinilit nitong ngitian siya para maibsan man lang ang kalungkutan niya at kahit papaano'y gumaan din ang pakiramdam nito. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho gusto niyang maihatid ito sa kahuli-hulihang pagkakataon. At pagkatapos ng mga sampung minuto ay nakita na nila si Mariel. Agad silang kinawayan nito at senenyasang bumaba na.
      NAGTATAKANG pinagmasdan ni Alana ang kaibigan. Napansin niyang kakaiba ang kinikilos nito. Nagtataka siya sa mga kilos nito na parang ingat-na ingat
Kaya bumaba na agad sila ni Henry. Nagkatinginan pang muli silang dalawa na parehong nagtataka sa mga kinikilos nito na parang sukat na sukat. Kinawayan pa sila nitong muli na mukhang lalo pang ingat na ingat. Pagkalapit nila'y ni hindi ito nagsalita basta na lang ito tumalikod at agad na may itinuro sa loob ng isang restaurant. Hindi siya maaring magkamali ang lalaking nakatalikod na nakaupo sa isang misa  roon ay si Jonathan. May inaakbayan itong isang babae. Kitang-kita niya ito sa loob ng salaming dingding ng restaurant. Bigla nitong hinalikan ang kaakbay sa may pisngi nito. Kinurot naman agad ito ng babae. Pagkatapos ay inilapit nitong muli ang kanyang ulo at hinalikan sa labi. Napalatak si Henry sa nakita. At kaagad na hinawakan ang mga kamay niya at nagsabing. "Papano iyan Alana mukhang pinagtataksilan ka ng boyfriend mo," nasabi nito at agad na tumawa. "Naku baka nagkakamali ako, baka beso lang iyang nakikita natin."
       "Sandali lang Henry, dito ka lang muna..." marahan at kalmadong sabi niya.
       "Anong dito lang ako, sasama ako, nasa likod mo lang ako," sagot naman agad nito.
       Dahan-dahang lumapit siya sa pintuan ng restaurant. Maingat niyang binuksan ang malaking pintuan nito. Pagkatapos ay tahimik na pumasok papaloob. Bigla siyang inunahan ni Henry. Naglakad ito at kaaga na umupo sa isang misa sa likuran nila. Lumapit pa siya nang lumapit sa kanila. Napakunot ang noo niya sa natuklasan. Malaki na ang tiyan ng babaeng hinalikan ni Jonathan sa may labi, buntis ito. Napabuga siya ng hangin sa likuran nila. Naramdaman agad ito ni Jonathan at lumingon. Nagulat agad ito pagkakita sa kanya na nakatayo at nakatingin sa mga ito. Napansin din siya ng kasamang babae nito na kaagad na nagtanong. "Kilala mo ba ang babaeng ito ha Jonathan ha?"
       Hindi makasagot ito. Mukha itong binuhusan ng malamig na yelo. Takot na takot ito at hindi alam kung ano ang gagawin at sasabihin. Muling nagtanong ang kasamang babae nito. "Ano bang maipaglilingkod namin sa iyo Miss?"
       Huminga muna siya ng malalim bago nagpakilala. "Ako si Alana, girlfriend ni Jonathan."
       "Anong ibig sabihin nito Jonathan, anong pinagsasabi nito, anong girlfriend mo siya, magpaliwanag ka!" galit na utos nito. Pero hindi ito pinansin nito bagkos ay humingi agad ng tawad sa kanya. "Alana patawarin mo ako, natukso lang talaga ako. Ikaw talaga ang mahal ko, patawarin mo ako mahal ko." Sa galit ng babae ay agad nitong sinampal ito. Subalit hindi pa rin ito natinag at muling kinausap siya. "Alana patawarin mo ako, please patawarin mo ako hindi ko talaga sinasadya."
      "Pinapatawad na kita Jonathan...." marahang sagot niya habang nakatingin ng tuwid dito.
      "Pinapatawad mo na ako, ang ibig sabihin hindi ka na galit sa akin ha?" tanong nito uli sa kanya.
      "Hindi na..." muling sagot niya.
      "Ang ibig mong sabihin tayo na uli ha Alana?" mabilis na tanong nito.
      "Pinapatawad kita pero hindi ibig sabihin ay gusto ko pang makipagbalikan sa iyo," sabi niya rito. "Pinapatawad kita para maputol na ang lahat ng kaugnayan natin sa isa't isa. Hiwalay na tayo, at ayoko ng makita ka pang muli."
      Nagalit bigla ito at sinisi siya. "Kasalanan mo naman ito. Ang arte-arte, sinagot mo nga ako oo, girlfriend nga kita pero ayaw mong pahalik ni ayaw mong payakap!"
      Nanlaki ang mga mata ni Henry sa narinig mula rito pero bigla ring lumiit ang mga mata nang siya ay ngumisi. Tuwang-tuwa itong malamang hindi pa nahahalikan nito si Alana.
      "Alam kong mahirap para sa iyo ang hiniling ko sa iyo, pero iyon ang kasunduan natin bago kita sinagot at tinanggap mo iyon. Ang akala ko isa kang mabuti at maginoong lalaki at nakayanan mong igalang ang kagustuhan ko. Iyon pala'y dahil may iba ka naman palang pwedeng yakapin at halikan anumang oras na gustohin mo," pahayag niya. "Mabuti na lang at nalaman ko na ang lahat ng ipinakita mo sa akin ay pagkukunwari lamang."
     Sa galit ng kasama nitong babae ay muli itong sinampal at pinagbantaan. "Akala mo basta mo na lang akong maloloko ng ganyan  ! Kailangan mong panagutan ang ipinagbubuntis ko! Baka nakakalimutan mo Heneral ang tatay ko. Baka gusto mong ipadampot kita. Halika na, sumunod ka na at marami ka pang dapat ipaliwanag sa akin, bilis!" malakas na bulyaw at mando nito rito. Sa takot nito sa tatay nito ay wala itong nagawa kundi sumunod at sumama na lamang sa babae.

                                                                                           Chapter 15

      PAGKAALIS na pagkaalis ng dalawa ay agad naman siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at dahan-dahang nilapitan si Alana. Napatawa na lang ito sa ekspresyon ng mukha niya habang dahan-dahan at patuloy na lumalapit rito. Nararamdaman nito ang gustong sabihin niya. ang gustong gawin niya. Pagkalapit niya rito ay agad niyang hinawakan ang magkabilang palad nito at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Mahal hindi ka pa pala nahahalikan ng mokong na iyon," sabi agad niya na halatang may binabalak gawin.
      "Hindi pa nga, bakit masama ba ako dahil hindi ako nagpapahaliksa boyfriend," pilyang sagot nito.
      Pabirong parang na-diappoint ito sa sagot nito. "Ang ibig mong sabihin hindi ka rin papahalik sa akin ha?" sabi nito na umiiling-iling pa.
      "Bakit boyfriend ba kita ha?" pilyang tanong nito.
      "Aaaah, ganoon, eh halos maglupasay ka na nga ng sinabi kong iiwan na kita at magpupunta na ako ng America," mabilis nitong sagot na hinigpitan pa ang hawak sa mga palad nito at mabilis na inilapit ang mukha sa mukha nito.
      "Parang hindi naman," sagot na lang niya na pilit na itinatago ang ang nararamdang kilig sa sobrang lapit ng mga labi nito sa mga labi niya.
      "Ano boyfriend mo na ba ako, o hahalikan kita rito..." pagbabanta nito. "Ano, ito na hahalikan na talaga kita..."
      "Oo na, oo na boyfriend na kita tumigil ka na riyan..." nakikiliting awat niya rito.
      "Sa wakas!" malakas na hiyaw nito.
      Bigla namang umubo si Mariel para kunin ang atenson nila. "O ayan friend ha bumawi na ako sa iyo. Nang gabi kasing napaiyak kita sa tinanong ko sa iyo. Nakonsensya talaga ako. Kaya mula din ng gabing iyon mismo, hinanap ko kaagad itong si Jonathan at hindi ko na talaga tinigilan ng kakasunod. Ang laki na kaya ng nagagastos ko sa gasolina. Buti na lang at kaninang-kanina lang ay nahuli ko na."
      "Ang laki pala ng utang na loob ko sa iyo Mariel. Huwag kang mag-alala ako na ang magbabayad sa iyo. Punta ka na lang sa Department Store namin mamili ka roon ng kahit anong gusto mo. Kahit anong gusto mo Mariel, kahit ano at maraming maraming salamat uli," nakangiting pahayag nito rito.
      "Talaga, o siya maiwan ko na kayong dalawa at uumpisahan ko ang pagsho-shopping," tuwang-tuwang sagot nito. "Ingatan mo iyang kaibigan ko ha."
      "Oo pangako..." sagot naman agad niya. Mabilis namang umalis ito matapos makapagpaalam sa dalawa.
      Muli niyang hinawakan ang mga palad nito. "Mahal na mahal kita Alana..." muling pagtatapat niya. "Ako maha mo rin ba ako ha?"
      Tumango lang siya.
      "Ha anong senesenyas mo riyan..." biro niya uli rito. "Mahal mo ba ako Alana," muli nitong tanong habang nakatingin sa mga mata niya.
      "Mahal na mahal din kita Henry," sagot niya.
      Hindi na napigilan pa ni Henry ang sarili, agad niyang sinapo ang mga pisngi nito at at hinalikan ng buong puso at pagmamahal labi. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naransan niya ang ganoong uri ng kaligayahan at naranasan niya iyon sa piling ng lalaking tunay niyang mahal.
                                                                            
                                                                                         The End